5

40 6 0
                                    

Chapter 5

"Ha?" I simply asked.

Vincent laughed and pat my head. "Tara na, doon tayo sa couch." He said and took my hand.

"Kararating mo lang?" Lasing ang tono ko nang sinabi ko 'yan.

"Oo, kararating ko lang ganiyan ka na agad kalasing." He said and made me sit in the couch.

Bakit kahit lasing ako ganoon ang epekto niya sa 'kin?

Nawala ako sa sarili saglit pero ang alam ko umalis siya at pagbalik niya may dala na siyang isang bottled water at bagong malinis na baso. Sinalin niya ang tubig sa baso at ibinigay sa 'kin.

Napaka-arte 'din niya kahit sa gamit. Tipong mas prefer niyang bumili ng bottled water kapag kumakain kami sa fast food restaurant kahit may tubig naman na 'yung restaurant, free pa. Feel daw kasi niya madumi.

Ininom ko na lang 'yung tubig dahil pakiramdam ko inakyat ko ang isang bundok sa sobrang uhaw. Sobrang energetic ko ata kanina sa dance floor.

"Nasaan na sila Zia?" Tanong ko.

"Si Zia, hinatid na ni Cassy kasi nga hindi pwede magpa-gabi. Si Ivy, umuwi na, mag-aaral pa daw."

"Eh, si Cassy? Babalik pa siya after ihatid si Zia?" Tanong ko at tinignan siya.

Ang fresh niya tignan ngayon. Parang hindi stress sa course na kinuha niya. Well, ever since naman gusto na niya talaga mag-business. Interested na siya hindi lang dahil sa parents niya o sa Mommy niya.

"Hindi ko alam, pero baka hindi na. Sabi niya ako na daw bahala sa'yo, eh." Simpleng sagot niya at sumandal sa couch.

Ako, tinignan ko 'yung nasa harap ko. Nasa second floor kami ng bar and sa tapat ng pwesto namin ay railings at tanaw na tanaw namin 'yung dance floor sa baba.

"Anong business balak mong gawin?" I suddenly asked before leaning into his shoulders. I feel really tired right now.

"Hmmm..." He just said. "Baka publishing company."

Kumunot ang noo ko. "Publishing?" Takang tanong ko.

"'Yung nagpa-publish ng mga novels t'saka books?" Patanong niyang sagot.

"Bakit naman ganoon gagawin mo?" Tanong ko at tiningala siya.

"Mahilig ka sa libro, eh."

Napahinto ako at napatitig sa kaniya. He's starting to depend on me. I don't like this. Hindi na kami pwedeng masanay na palaging nandiyan 'yung isa't isa. Hindi pwede 'to.

"B-Bakit naman ako?"

"Wala na akong maisip na iba, eh." Simpleng sagot niya at ininom 'yung bagong salin na alak sa baso niya.

So I'm his choice when he don't have a choice.

"Eh, ikaw? Anong business balak mo?" Balik niyang tanong.

"Hindi ako magbu-business, sira. Event Organizer." Simple kong sagot.

"Ah ayon ba 'yon..." Kamot-ulo niyang sagot. "Pero balak mong magtayo ng... parang studio mo ba 'yon o shop?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko pa alam. Wala pa akong maisip, eh."

Ilang segundo kaming tahimik. Tanging tugtog lang sa bar ang maririnig na ingay sa pagitan namin. I took that course because I know that's where I'm good at. Maybe someday I have something to prove and make them proud of me for choosing that course.

Doon lang kami nagkasundo ni Dad. Sa pagkuha ko ng course na business. Akala niya business talaga ang gusto ko. Pero nung sinabi ko sa kaniya na Event Organizer ang balak ko, uminit na naman ang ulo niya sa 'kin. Sabi niya ano daw ba ang makukuha ko sa course na  'yon. Wala daw akong mapapala.

This LoveWhere stories live. Discover now