8

38 5 1
                                    

Chapter 8

Will cooked breakfast for us. I keep going on the kitchen to bother him. Buti na lang at nakapag-luto siya ng maayos kahit malikot ako doon. Kaysa naman doon ako sa sala, lahat sila doon tinitignan ako. Nakakailang sila.

Hindi ko na sinulyapan kahit segundo si Vincent. Kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa ako nakahhimlay. 

I've decided. We'll talk later after Will go home. Alam 'kong kailangan namin mag-usap. Hindi maaayos 'to kung hindi kami mag-uusap.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may nag-doorbell. Ako na ang tumayo agad dahil baka kung sino na naman 'yon. 

Pagbukas ko, bumungad sa 'kin si Sav. 

"Oh?" gulat 'kong sabi. 

Bakit ba nandito sila lahat? Gusto ko ng alone time with Will. Charot. Miss ko kaya sila.

"Bakit?" Bored na tanong niya. 

"Wala, pasok ka na." Sabi ko na lang.

Hindi na siya nagulat nang makita niya si Will sa condo ko. Si Sav hindi ko alam kung anong mayroon dito. Kahit lagi siyang MIA samin, alam niya lahat ng nangyayari sa buhay namin. Feeling ko nga may spy dito sa 'min eh. Joke.

Madaming nangyari ng araw na 'yon, hindi kami nag-usap o tinginan man lang ni Vincent. Let's say, I'm avoiding him. I just wanted to avoid him.

Pero kahit iwasan ko siya, ganoon pa 'rin ang nararamdaman ko. Mas lalo pa ngang mahirap.

Pero kailangan ko siyang iiwasan. Kahit gusto 'kong sabihin sa kaniya na lumayo siya, na intindihin niya na kailangan niyang irespeto 'yung relasyon ko sa iba. Ayaw ko lang kasi talaga sa lahat 'yung pina-pakialaman ako. 

It's my life, who are you to decide?

Kahit na isa siya sa importanteng tao sa buhay ko, hindi ako papayag na siya ang magdesisyon para sa'kin. Wala naman siyang sinasabi pero alam ko hindi siya natutuwa sa desisyon ko.  Bilib ako na kaya niya pang tumahimik ng ganoon. He still respects me, okay na 'yon sa 'kin. As long as hindi siya gumagawa na ika-iinis ko talaga.

Weeks and months have passed, we never talked to each other again. I'm fine with this, I'm okay with this. Kahit hindi niya sabihin alam 'kong sinasadya niyang maging busy sa training para hindi talaga kami magkita. 

Si Zia lang ang lagi 'kong kasama pero minsan si Will. Si Will may ibang pinagkaka-abalahan na aayusin daw niya dito since permanent na ang pag-stay niya dito. Hinayaan ko naman siya. Nakailang inuman na kami sa bahay naming magkakaibigan pero laging absent si Vincent doon.

"Hindi pa 'din kayo nag-uusap ni Vince?" Tanong ni Zia habang nasa cafeteria kami ng University. 

Umirap ako dahil sa inis. "Hindi pa, t'saka hindi ko siya gusto kausapin."

Kumunot ang noo niya bago ininom ang kape niya. "Huh? Bakit?"

"Ewan ko 'din, ayoko lang muna lumapit sa kaniya, o kahit presensya niya." Sagot ko bago nilibot ang tingin sa cafeteria.

"Both of you should talk." 

"Ayoko nga!" Tanggi ko kaagad.

"Briana?!" biglang inis na sigaw niya. "Para kang bata, umayos ka nga!" Iritadong sabi niya.

Ngumuso ako. "Eh, sa ayoko, eh." Mahinang sabi ko, nagulat sa pagsigaw niya.

"Parang hindi ka naman sanay sa ugali nung isa, ikaw nga lang nakakapag-pawala ng init ng ulo no'n. Ilang araw nang badtrip 'yon."

This LoveWhere stories live. Discover now