Epilogue

43 4 0
                                    

Epilogue

"Sasali ka sa Intrams?" Tanong ko kay Adler pagkalabas ng classroom.

"Not sure." Tipid niyang sagot.

Siniko ko siya kaya inis niya akong tinignan. "Sali ka na. Sasali ako, eh." Pagpilit ko.

"Eh 'di, good luck sa 'yo." Pabalang niyang sagot.

"Kahit kailan ka talaga, eh, no?" Pikon 'kong sagot sa kaniya bago siya iniwan.

Umuwi na 'rin ako pagkatapos dahil may training pa ako kinabukasan.

Volleyball is one of my favorite sport. Naglalaro 'rin naman ako ng basketball minsan pero mas hilig ko lang talaga ang volleyball. Tinuruan ako ni Daddy dati na maglaro ng basketball kaya halos dati ay araw-araw akong naglalaro noon.

My Dad died when I was 10 years old. He died in a car accident. That's when I stopped playing basketball too. It just keeps reminding me of my Dad. Kapag naglalaro ako ng basketball, naaalala ko lang na wala na 'yung taong nagturo sa akin noon.

Nung araw ng Intrams, doon ko nakilala si Briana. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya. The day when we met was something unexpected for me.

Unexpected talaga kasi sino 'bang mag-aakalang makakakilala ako ng baliw?

Hindi na 'rin kami nakapag-usap ni Adler dahil lumipat siya ng ibang bansa para doon mag-aral panandalian dahil may mga importante raw silang pagkaka-abalahan.

Doon 'rin ako nakakilala ng ibang mga kaibigan. I had unexpected friendships. And that's the best. Having this unexpected friendship is one of the happiest days of my life.

Si Briana. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa kaniya. I feel something deep. Hindi ganoon ang pakiramdam ko kapag kasama ko sila Ivy or sila Zia. Kakaiba 'yung nararamdaman ko kay Briana.

Ayaw ko munang magsabi dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. But the way I cared for her? I doubt if it's not true. Gusto ko munang kumpirmahin sa sarili ko kung tama nga ba 'to o isa lang 'to sa mga temporary na nararamdaman ko.

I dated girls when I entered high school. Just for fun. Wala akong tinuring na true love sa lahat sa kanila kahit isa. Dati kapag may matipuan ako, liligawan ko na agad. But since I joined volleyball, I stopped. Priority ko na ang volleyball that time kaya wala na akong time sa girlfriend.

"I like you, Vince."

Nung oras na sinabi niya 'yon, talagang hindi ako makapaniwala. Tinitigan ko lang siya sa mata niya para basahin kung totoo ba talaga ang sinasabi niya. When I stared at her, fuck, it's true.

"Hindi pwede." Sagot ko.

Hindi pa pwede dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa'yo. Ayokong masaktan ka dahil baka iwan lang kita sa huli. I can't promise a thing. Madali akong magsawa sa mga nagiging girlfriend ko noon at ayaw 'kong isama si Briana doon. Hindi ko kaya na malayo siya sa akin.

But I didn't mean that liking or loving your best friend romantically is a mistake. It's never been a mistake to love someone.

Naramdaman 'kong lumalayo siya sa akin pagkatapos niyang umamin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong baliw dahil hindi ko siya nakikita.

"You like her," Adler said when I visited his house.

Mas lalo ko lang siyang naiisip kapag mag-isa ako kaya umalis ako ng bahay. Wala kasing tao roon. Wala 'rin kaming training ngayon ng volleyball kaya wala talaga akong magawa kung hindi isipin siya.

This LoveWhere stories live. Discover now