Chapter 18
Ilang araw na naman ang lumipas matapos ang gabing 'yon. Wala na naman siyang paramdam. Iniiwasan ko nang isipin siya kasi iniisip ko babalik naman 'yon. Alam ko hindi ako iiwan noon. Pero gabi-gabi hinahanap siya ng puso ko. Na sana naroon siya para yakapin ako at sabihin naroon lang siya para sa 'kin.
Hindi ko mapigilan ang luha ko sa oras na naiisip ko siya.
Naiiyak na ako kasi alam ko paparating na.
Darating na 'yung araw na kinakatakutan ko.
Iiwan na niya ako.
Pero, hindi ko kaya.
Hindi ko kayang wala siya.
Pero pagod na ako. Pagod na pagod na.
Nagluto ako ng almusal ko pagkatapos. Ilang beses pang nasunog ang pini-prito ko dahil natutulala ako sa dami ng iniisip ko.
Iniisip ko 'yung sila Zia. Ang daming nangyayari sa paligid ko. Sunod-sunod ang problema ko. Si Tita, mommy ni Zia, kailangan ng tulong dahil alam 'kong nahihirapan siyang bantayan si Zia. Gusto nang bumalik sa pag-aaral niya si Zia agad kaso hindi pa naman siya ganoon kagaling. She changed a lot. But I won't blame her for that. Kailangan ko umuwi roon next week para tulungan si Tita kahit tatlong araw lang. Kakausapin ko na 'rin si Zia.
Si Ivy naman, kailangan niya ng tulong para mabantayan 'rin ang mga batang kapatid niya. Minsan ay doon na ako nags-stay para bantayan sila dahil may part-time si Ivy. Nag-eenjoy naman ako kahit papaano dahil masaya at mabait naman ang mga kapatid niya. They also told a lot to me about Ivy and Ethan. Salitan kaming tatlo nila Sav at Daine sa pagbabantay dahil may iba 'rin silang kailangan gawin.
Cassy is busy but she's trying to update us. She's trying to distance herself pero alam ko na alam niyang hindi niya kaya nang wala kami sa paligid niya. Alam naming babalik at babalik siya sa amin kahit anong mangyari. Kinausap 'rin namin siya ni Sav noong nakaraan dahil hindi siya nagsasabi ng problema.
Habang naghahain ako, may nag-doorbell. Matamlay akong pumunta roon sa inaakalang staff lang pero ikinagulat ko nang si Sav ang bumungad roon. Nataranta ako agad.
"Oh, bakit? May kailangan ba tayo puntahan? Kailangan ba ulit ng bantay ng kapatid ni Ivy?" Tanong ko ng sunod-sunod. "Tara na, baka ma-late si Ivy sa trabaho niya." Sabi ko at lalabas na sana dahil nakaayos naman ako pero pinigilan ako ni Sav.
"Wala tayong pupuntahan." Malamig na sagot ni Sav. Kumunot ang noo ko.
May sumulpot sa likod niya. "Usap tayo?" Sulpot ni Ivy.
"Huh?" I curiously asked. They just answer me with a smile.
Pumasok sila sa loob ng condo ko. Napatingin sila sa paligid nang makita nila kung gaano kagulo ang lugar. They looked at me with concern in their eyes.
"Bakit ang gulo?" Tanong ni Ivy.
Napakamot ako ng batok. "Uh, hindi pa ako nakakapaglinis. Walang time, eh. Sa susunod na siguro. Dami ko pang ginagawa, eh."
"Linis muna tayo. Tulungan ka namin." Biglang sabi ni Sav.
"Tara." Sagot naman ni Ivy.
"Kakain lang ako, wait." Sagot ko.
"Sige, kumain ka na d'yan, simulan na namin rito." Sagot ni Ivy.
"Sino bantay ng kapatid mo, Ivy? Iniwan mo roon?" Tanong ko habang kumakain.
"Kasama sila Tita t'saka mga pinsan namin. Gumala sila." Sagot niya habang nagsisimulang maglinis. "Huwag mo na silang alalahanin, sarili mo muna ngayon, okay?" Biglang sagot niya.
YOU ARE READING
This Love
RomanceLife Series #2 You want to be recognized by someone you like, but you don't want to be noticed by someone who doesn't want to pay attention to you and you can't do anything because you badly like them. You want the person you like to pay attention o...