29

30 2 0
                                    

Chapter 29

Pagkatapos namin sa spa, umuwi na kami kaagad para mag-prepare sa wine party namin. Hapon na kami nakabalik dahil masyado kaming nag-enjoy doon kanina sa spa. 

"Wala ka 'bang ibang in-invite, Cassy?" I asked her. 

May surprise kasi kami d'yan kay Cassy. We planned it last week, medyo hassle pa nga kasi biglang nagsabi ng plano si Cassy kaya naiba ang setup namin. Akala kasi namin wala talaga siyang plano kaya kami na ang nagplano. 

Sana lang maayos ang ginawa ng mga boys.

"Kayo lang ang in-invite ko, I'll have my big party next week. All of you are invited too." Sagot niya. 

Nasa kotse na kami at si Sav ang nag-da-drive. We were playing songs in the car kaya ang ingay ni Ivy dahil kumakanta siya. 

"Bakit seperate pa? Ayaw mo isahang party na lang?" Zia asked. 

"The company decided to have a big party. What I want is to spend my day with you guys. But my other friends were there sa party kaya pumayag na 'rin. And may sponsor naman ako, so I didn't pay for the expenses." She explained and we all just nodded.

Ilang segundo kaming tahimik hanggang sa nagsalita si Ivy. 

"Grabe, nakaka-miss 'yung ganito, 'no? Nung college tayo halos sa kotse tayo ni Cassy laging nakasakay kapag pupunta ng bar. As in, tayo-tayo lang na girls. Nakaka-miss 'yung studies lang pino-problema natin. Ngayon kasi ang  dami nang nasa utak ko. Hirap ng adulting." Si Ivy habang nakatingin sa bintana. 

I nodded. "True. Ngayon kasi pakiramdam ko wala na akong time magpahinga. Dapat pala hindi ako nag-aral ng sobra nung college para na-enjoy ko naman kahit kaunti 'yung college days ko. Wala akong idea na ganito pala kahirap 'yung adulting." Sagot ko. 

"Parang gusto ko na lang mag-aral habang buhay." Si Sav. 

"Guys, it's of our life. It's part of our journey. We all know that it was hard but we chose it. We chose this career. Me, I chose to become a celebrity because it's what I want. It's hard but I'm enjoying this because this is my dream." 

"Nakaka-miss lang 'yung mga days na kaunti lang 'yung problema natin.  Na halos sarili lang natin iniisip natin kung paano makakahabol sa deadline, kung paano tayo tamarin pumasok, 'yung ganoong scenes." Si Daine. 

"Pero, alam niyo, proud ako sainyo. Wala man ako rito nung natupadd niyo mga dreams niyo, pero I witness how you all worked hard to reach it. And I am so proud." Nakangiting sabi ko. 

"Ano 'to? Sari-sariling speech ba? Wait lang, hindi ako prepared." Sabi ni Ivy at nakahawak pa sa dibdib niya.

"Gago, sinimulan mo, eh." Sabi ko. 

"Hindi ba mahirap, Zia?" Tanong ni Daine kay Zia. 

Nasa front seat siya kaya lumingon pa siya sa amin dahil katabi ko si Zia na nakapatong ang ulo sa balikat ko. Nakatingin lang siya sa bintana at tahimik. Umangat ang ulo niya para tignan si Daine. 

"Anong mahirap?" 

"Now that you have your own family." 

"Bakit? Nag-fa-family planning na kayo ni Jonathan?" Biglang sabi ni Sav. 

"Yes, why? Jealous?" Ganti ni Daine. 

Sav smirked. "As if." 

Tumawa kami ni Ivy dahil sa sagutan nilang dalawa. "Wala kayo d'yan kay Savannah, may kinakausap 'yan gabi-gabi, baka maunahan pa kayo niyan ikasal." Natatawang sabi ni Ivy. 

Pasimpleng tumatawa si Cassy at Zia sa tabi ko kaya mas tumawa kami ni Ivy. Siraulo talaga 'to si Ivy. 

"Siraulo ka, kapag ikaw naunang nabuntis sa 'ming lahat, tatawanan ka namin!" Natatawang sabi ko kay Ivy. 

This LoveWhere stories live. Discover now