Chapter 28
"Anong umiiyak? Siraulo ka ba?"
Nakaupo ako sa front seat at siya ay nasa driver seat. He looked so serious while looking at me. Nakatitig lang siya sa akin pero hindi ko siya nililingon.
"Don't lie to me."
Umirap ako. "Hindi nga ako umiyak, kulit mo."
"Then, look at me." He commanded in a serious voice. "Tumingin ka sa 'kin, Briana." Ulit niya.
Ilang segundo akong walang kibo. Nang lumingon ako sa kaniya, lumuluha na ang mga mata ko. Nang makita niya ang itsura ko, bumagsak ang balikat niya bago ako hinatak para yakapin. Umiyak lang ako sa dibdib niya dahil hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko.
"Umiyak ka lang. Nandito lang ako."
Pagkatapos ko umiyak, nagtanong siya kung anong nangyari kaya wala akong choice kung hindi sabihin sa kaniya. Habang nag-da-drive siya ay nag-ku-kwento ako.
"Did your Mom tell you about it years ago?" I asked after finishing my story.
Umuling siya. Naiinis na siya ngayon. "No, wala akong alam tungkol doon." He look so serious. "Fuck, we've wasted years." He said. "And you've been hurt a lot."
"Yeah..."
Nang makarating kami sa penthouse niya. Agad siyang naligo. Ako naman naupo sa sofa habang iniisip ang nangyari kanina. Hindi ko naramdaman kung gaano katagal si Vince sa banyo kaya nagulat ako nang tumabi siya sa akin sa sofa at yumakap sa likod ko.
"Three of them should talk." Sabi niya at sumang-ayon ako. "Sobrang nagagalit ako kay Mom ngayon, sa totoo lang."
"She have explanations, Vince. Pakinggan mo." Seryosong sabi ko.
"Kahit na. She hurt you. Hindi niya alam kung gaano kasakit 'yung ginawa niya sa 'yo."
Hinawakan ko ang braso niya na nakayakap sa akin. "Vince, sinabi na niya kanina na she's sorry for what happened. She also apologized."
Nag-usap lang kami parehas tungkol doon. Kumain muna kami ng dinner bago kami natulog agad.
Kinabukasan, maaga naman kaming nagising na parehas. Wala 'raw siyang pasok dahil kakagaling niya lang sa business trip. Gusto niya 'raw magpahinga.
Habang nagluluto siya, may tumawag sa kaniya kaya hindi ko na pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa. It's so relaxing to have days like this with him.
"Mom called. Sabi niya, pupunta na'raw siya sa Mommy mo. Do you want to come?"
Napaisip ako. "Punta na lang tayo kapag tapos na silang mag-usap."
Kumain lang kami at nagharutan pagkatapos. Hanggang sa 2 pm na at doon na namin naisipan na pumunta sa bahay namin. I also plan on introducing Vince to my Mom as my boyfriend.
Hindi ko sinabihan si Mommy na pupunta kami doon ni Vince. Kahit si Vince ay hindi sinabihan ang Mommy niya. Habang naroon papunta kami ay tumawag si Zia sa akin.
"Bri? Mom said she'll come to your house. Alam mo na ba?"
"Yes, alam ko na. Alam mo na ba 'yung sa away nila?"
"Yup, Mom told me about it awhile ago. Sabi niya mag-uusap 'raw sila. Baka mag-away sila?"
Tumawa ako sa sinabi niya. "Hindi 'yan, Zia. Kumalma ka."
"Alam mo naman si Mama, eh." Kahit hindi ko nakikita, sigurado akong nakanguso siya. "Kasama ko si Adler papunta."
"Papunta na kami ni Vince."
YOU ARE READING
This Love
RomanceLife Series #2 You want to be recognized by someone you like, but you don't want to be noticed by someone who doesn't want to pay attention to you and you can't do anything because you badly like them. You want the person you like to pay attention o...