12

42 4 0
                                    

Chapter 12 

"Are you guys ready?" 

Since sembreak naman, we all decided to go on a vacation. We decided to go to Ilocos. Ako ang nag-suggest noon dahil nga gusto ko silang dalhin doon. Ilocos is a nice place. 

Kotse ko ang gamit namin ni Vince papunta doon. Pinaayos raw kasi niya 'yung kotse niya dahil may problema. Ako na 'rin ang nag-drive kasi gusto ko lang. 

Gusto ko sana sa kotse na lang ni Daine kasi alam 'kong mahahalata nila kung sasabihin 'kong gusto ko kasama si Vince sa kotse kaya nag-inarte ako saglit para hindi masyadong halata. 

"May baon akong snacks diyan sa likod, if gusto mo kumain. Mahaba pa biyahe, eh." Sabi ko kay Vince nang makasakay kami sa kotse. And I wore the seatbelt. 

"Hey..." He casually called so I looked at him. 

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin para halikan ako sa labi. Hindi ako nakagalaw agad at hawak ko pa ang seatbelt ko. 

"Galing mo magpalusot kanina, ah." Natatawang sabi niya bago isinuot 'din ang seatbelt. 

Biglang nag-iba ang expression ko. Kinabahan ako dahil paano kung gusto niyang sabihin na agad sa mga kaibigan namin? I wanted to hide it. Lalo na hindi pa naman sure kung kami na. Malay mo we're just flirting and all. 

Tapos sa huli ako lang pala 'yung umaasa. 

"Okay lang ba sa'yo 'yon?" I asked. "Na itago muna?" 

He looked at me and smiled. "Oo naman..." Sagot niya. "Desisyon mo naman 'yan, I respect it." Napangiti ako sa sinabi niya.

This man is really...

I played my playlist on spotify while we're on a trip. He even took photos of me while driving and I just couldn't stop smiling the whole trip because of those little things he's doing to me. 

I asked him to take photos of those good view pero tingin ko puro mukha ko na ang nandoon sa phone niya. Hetong lalaking 'to! 

Gising siya buong byahe at walang tigil kakaasar sa 'kin. Halo-halong emosyon talaga nararamdaman ko kpaag kasama ko 'tong lalaking 'to. Hindi ko siya maintindihan. Minsan iinisin ako, gagalitin, papatawanin, papakiligin o ewan. 

Habang nasa biyahe, nag-play bigla sa speaker 'yung 'Tahanan by Adie'. Bigla akong napangiti. Dahil doon, napatingin sa 'kin si Vince, takang taka.

"Bakit nakangiti ka diyan?" 

"Alam mo 'yang kanta na 'yan, 'di ba?" Tanong ko sakaniya, tinutukoy 'yung kanta.

"Oo, bakit? Maganda 'yan, eh." Sagot niya. 

"That song reminds me of you." Mahinang sabi ko, hind mapigilan ang ngiti. "Para akong siraulo na nangigiti kapag naririnig ko 'yan."

Napatingin siya sa 'kin, napaawang ang labi niya.  "Grabe, obsessed na obsessed ka naman sa 'kin, Briana." Pang-aasar niya kaya hinampas ko siya.

"Try mo 'rin. Favorite song ko 'I Choose by Alessia Cara'. Baka mangiti ka 'rin kapag pinakinggan mo 'yon kasi naiisip mo ko." Mayabang na sabi ko sabay ngisi. 

"Grabe ka na, Briana." Natatawang sabi niya kaya natawa na 'rin ako.

Pangalawa kami sa dumating doon. Nasa lobby na sila Zia. I was smiling the whole time that I was with Vince. Kaya naman alam ko na agad ang tingin sa 'kin ni Zia nang makita ko sila sa lobby. Nauna ako kay Vince dahil kinuha niya pa 'yung mga dala namin.

She was with Adler, holding hands,  of course.

"Happy, huh?" Pang-aasar ni Zia sa 'kin. 

"Shh, huwag ka munang epal. Let me have this fun." Mayabang 'kong sabi. 

This LoveWhere stories live. Discover now