July 19, 2017 | 02:13 PM

297 35 1
                                    

Kararating ko lang sa sementeryo pero nagkaroon agad kami ng staring contest ni Brielle.

Nakasandal s'ya sa malaking puno habang may nakabukas na libro sa mga hita. Gandang-ganda na naman ako sa kanya. Pero dahil mahilig s'ya sa manipis na make up, halata ang puyat at medyo namamaga n'yang mata kahit pa tabunan n'ya 'yon ng eyeglasses.

Ako naman, alam ko na kung bakit s'ya napatitig sa akin. Bukod sa kapogian ko.

"Yo, anong itaas?" bati ko sa kanya bago kinuha sa bandang itaas n'ya sa puno ang tarp ko at nilatag 'yon sa harap ng lapida ni Popo at doon naupo. Nakatingin lang s'ya sa akin habang sinisindihan ko ang kandila, 'di na-gets ang sinabi ko. "In english, what's up?"

Napahimas na lang s'ya ng noo dahil sa konsumisyon.

"You cried last night," akusa n alang n'ya para maiwasan na ang kakornihan ko.

"Ba't mo nasabi? Kasi umiyak ka rin kagabi, 'no?" natatawa kong sabi base sa nakikita ko sa mukha n'ya habang nagsisindi ng kandila.

Natahimik s'ya saglit kasi tama ako kaya 'di na rin n'ya d-in-eny. "Yeah," amin n'ya. "Ikaw rin. Pinanindigan talaga natin 'yong first step, 'no?"

"Lah! Judgemental ka. Nag-marathon lang ako ng Kdrama kaya mukha akong sabog ngayon. 'Di naman ako umiyak. Pssh!"

S'yempre, 'di naniwala si Brielle. "Really?"

"Really!"

"You're lying"

Nagkamot na ako ng batok saka s'ya hinarap. "Gusto mo na ba mag-step two o 'wag muna? Damhin muna natin ang lungkot?"

Tinaasan ako ng kilay ni Brielle dahil halata n'yang umiiwas lang ako pero nginitian ko lang s'ya, 'yong ngiting mas nagpalalim pa ng dimples ko para poging-pogi, pang-uto—este, para mapagbigyang malihis na ang usapan. Alam kong ayaw na muna n'yang ibahin ang topic pero nanaig ang kapogian ko kaya napabuntong hininga na lang s'ya. "Before I answer that, may tanong muna ako."

"Ge lang!"

"Andito ka na araw-araw . . ." pag-aalinlangan n'ya. Tumango-tango ulit ako. Tama naman kasi s'ya. Simula kasi noong Lunes araw-araw na akong nandito. "Is it okay for you that you're here everyday? 'Di ba naaapektuhan ang trabaho mo kung meron man? Baka napipilitan ka lang pumunta dito dahil sa pagmo-move on natin?"

Hindi pa man s'ya natatapos sa sinasabi n'ya, umiling-iling na ako. "F.Y.I, may trabaho po ako at ako ang boss," ngumisi ako, hashtag feeling proud, "kaya hawak ko ang oras ko. Tsaka 'di ko naman pinapabayaan 'yong trabaho ko. Bumabawi naman ako pagkauwi kaya walang problema. At 'di naman ako nagpupunta dito dahil lang sa pag-mo-move on natin, e. Nandito din ako dahil sa 'y—" Tiningnan ko ang mga mata n'yang namamaga sa likod ng eyeglasses.

'Di pa s'ya nakakamove-on kay Young Master, Dos.

" . . . dahil sa lolo ko. Dahil miss na miss ko na s'ya."

Siguro mga limang segundo muna ang lumipas na nakatitig lang si Brielle sa akin. 'Di ko makuha kung ano ang iniisip n'ya basta ang sigurado ko lang, hashtag relate s'ya sa sinabi ko.

"All right. I'm ready for the second step. Tama na siguro 'yong iniyak ko kagabi. And the countless sleepless nights before that."

Tumango-tango ako. Sabagay. Kahit ako napapapagod na rin, s'ya pa kaya na dalawang taon nang umiiyak? "Tama na din siguro 'yong kagabi at no'ng mga nakaraan," wala sa sarili kong bulong at narinig 'yon ni Brielle.

"See! You cried!" turo n'ya sa akin. "Ayaw pang aminin, e."

"Balakajan, Brielle. 'Di talaga ako aamin." Natawa ako nang magpaikot s'ya ng mga mata saka ko kinuha ang phone sa bulsa ng pantalon ko. "Ito na, pangalawang step. Matapos aminin sa sarili na nasasaktan ka, aminin mo naman sa kanya ang sakit na naramdaman mo . . ."

Dos and Don'tsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon