"Welcome home, Wawa!"
Ang salubong sa amin ng mga kamag-anak at mga tauhan sa talyer ni Popo pagkapasok namin sa gate ng aming compound.
Isa-isa silang nag-mano at bumeso kay Wawa.
May pa-party poppers pang nalalaman ang mga pinsan ko.
Nakalabas na kami ng hospital, sa wakas, dahil bumubuti na ang kalagayan ni Wawa at maayos na ang resulta ng last niyang lab tests.
Thank You, Lord!
"Maraming salamat!" tuwang-tuwang sabi ni Wawa, naiiyak pa, habang naka-whelchair. "Nandito ba kayong lahat, mga anak?"
"Walang absent, Nay!" sagot ng Tito Eloi.
"At may kuma-comeback pa!" Napatingin ako kay Tito Ric na masayang inakbayan si... erpats. Napahigpit ako ng kapit sa wheelchair ni Wawa.
"Aba'y mabuti!" masayang sambit ni Wawa na napapalakpak pa.
Masaya si Wawa, Dos. Masaya si Wawa.
"Tamang-tama ang uwi ninyo, malapit nang maluto ang mga pagkain," anunsyo ni Tita Veron sa amin.
Na sinagot ni Mama ng, "gutom na ako!"
Kaya naglakad na kami papasok.
Mabilis na lumapit sa akin ang mga pinsan ko na agad kinulit si Wawa. Panay tuloy ang suway sa amin ni Genesis at Ate Josè. Baka daw mabinat si Wawa sa kakulitan namin.
May usok sa harapan ng bahay. At doon nakasalang ang napakalaking kaldero na 'di ko man alam ang laman, nagpakulo naman ng sikmura ko dahil alam kong nakakatakam ang laman n'on.
May mahabang ihawan din sa tabi noon.
Parang fiesta ang welcome home party ni Wawa.
Dineretso kong inihatid si Wawa sa kwarto nila ni Popo sa silong ng bahay para makapagpahinga na siya. May nakahanda na ring oxygen tank sa may ulunan niya kung sakaing kakailanganin niya 'yon.
"Sige na, kumain na kayo, d'on," utos niya sa aming magpipinsan nang maihiga namin siya sa kanyang kama.
"Pa'no ka, Wa?" tanong ni Garrix habang tinatabi ko ang wheelchair.
"Kumain na ako, apo."
"May hinanda kaming mga pagkain na healthy," si Brix naman ang nagsalita. "Pwede sa 'yo 'yon, Wa. May mga prutas din galing sa bukid. At nagpadala din po ng gatas ng kambing si Mang Teban para sa inyo."
"Aba'y sabihan mong salamat," nangingiting sabi ni Wawa. "Pero mamaya na ako kakain. Busog pa ako. Hala sige na, magsipaglabas na kayo nang makakain na."
"Okay ka lang dito, Wa?" tanong ko. "Pwede ka naman naming samahan."
"'Wag na. Ayos lang ako dine."
"Oy, kayo." Napalingon kaming lahat kay Ate Josè na nasa may pintuan. "Pagpahingahin niyo muna si Wawa at tara na. Ang iingay na ng mga Titos at Titas. Dapat sabay-sabay daw kumain."
Walang anu-ano'y binatukan ni Garrix si Brix. "Sabay-sabay daw kumain! Ito!" sabay nagmadaling lumabas.
"Anong ginawa ko?"
Natawa na lang kami, pati si Wawa, sa pagngawa ni Brix.
01:17 PM
Dahil sa masarap na pagkain at masasayang kwentuhan, napatagal ang pagtapos ng pagkain namin.
Para kaming nagkaroon lahat ng instant baby sa tiyan dahil sa dami ng mga kinain namin.
BINABASA MO ANG
Dos and Don'ts
General FictionAko si Dos Solmeron, poging mekaniko sa umaga, pogi na lang sa gabi. Naniniwala sa kasabihang, "If there's a Will, there's a jacket. At kung umiyak ka, may payb tawsan ka pa." S'ya si Brielle Ybañez, isang dalagang ayaw mag-move on sa fiance n'yang...