July 21, 2017 | 02:15 PM

319 31 14
                                    

"Hi, Brie!" kaway ko habang nakasandal sa puno sa kakarating lang na si Brielle.

Nagsalubong ang mga kilay n'ya. "Who's Brie?" tanong n'ya kahit halata namang alam n'ya na may naisip akong bagong palayaw n'ya.

"S'ya," turo ko sa likuran n'ya. "'Di mo nakikita?"

Mabilis s'yang lumingon sa likuran, natakot. At nang walang makita, sinamaan n'ya ako nang tingin. "Dos!"

"Joke lang!" tawa ko.

Ang cute n'ya . . .

"Ito naman ang seryoso. Gusto lang kitang bigyan ng palayaw. Iniisip ko kagabi pa kung anong bagay sa 'yo. Brie na lang, 'no?"

"Why Brie?"

"Katunog ng bi. Yiiiiiieee!"

Hindi n'ya ako pinansin.

Awts!

Pero 'di ko 'yon hahayaang makasira ng excitement ko sa gagawin namin ng araw na 'to.

Nang mapatingin s'ya sa akin matapos magsindi ng kandila, nagsalubong ang kilay n'ya. "What's with that stupid grin on your face?"

"Grabe, nilalait mo na lang lage 'tong killer smile ko!"

"Killer smile, huh?"

"Oo, 'no. Saka 'di ko kasi mapigilan, e. Na-e-excite ako."

Tumaas ang kilay n'ya, may pagdududa sa mga mata. "Ano pala 'yong fourth step?"

Malapad pa rin ang ngiti ko nang kunin ko sa bulsa ng pantalon ang telepono ko. Tiningnan ko ang pang-apat na step sa listahan. "Wala tayong ibang gagawin, Brie, kundi ang tumakbo . . ."

"What?"

" . . . nang tumakbo nang tumakbo hanggang sa mapagod tayo."

Natigilan s'ya. "You mean to say . . ."

Sobrang lapad na ng ngisi ko. "Gagala tayoooo!"

"What?"

"Wala ka bang ibang sasabihin kundi what—joke lang!" tawa ko nang aktong hahampasin n'ya ako. "Pero okay lang ba sa 'yo?"

"Na ano?"

"Na umalis tayo. Kalimutan muna ang lahat at lumayo muna kahit ilang oras lang. Malayo dito tapos 'lam mo na, tayong dalawa lang . . ." Pinigilan kong mangiti. "Kasi alam mo na, baka 'di ka komportableng sumama kahit kani-kaninong pogi, 'di ba?"

Natahimik s'ya, nakatitig sa inosente kong ngiti.

Alam kong 'di n'ya pinansin 'yong parteng may 'pogi' sa sinabi ko at ang iniisip lang n'ya ay 'yong gagawin naming fourth step.

'Di ko s'ya masisisi. 'Di naman talaga namin gano'n kakilala ang isa't-isa . . .

Malay ko bang myembro ng gang 'tong si Brie o kaya naman ay lider ng sidikato? Baka dalhin ako sa kung saan tapos pagsamantalahan. Diyos ko po! 'Wag naman sana! Baka maging willing victim ako!

"Sa'n ba tayo if ever?" tanong n'ya kaya natigil ako sa mga kalokohang pinag-iisip ko.

"Hindi ko alam," kibit-balikat kong tugon. "Ang sabi lang kasi tumakbo lang daw nang tumakbo."

"So, wala kang plano kung sa'n tayo pupunta?"

"Sa simbahan, gusto mo? Pakasal na tayo agad-agad." S'yempre, binulong ko lang 'yong huli na mukhang narinig n'ya kaya binasag n'ya 'yon ng . . .

"Religious ka pala?"

Napahimas ako ng batok. Tumawa s'ya.

"Ano na?"

Dos and Don'tsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon