August 05, 2017 | 03:08 AM

255 28 0
                                    


Kinakabahan ako.

Sa sobrang kaba, 'di na ako nakatulog kahit sandali. At walang ibang laman ang isip ko kundi si Brie. Kung pwede ko lang bugbugin ang sarili ko sa sobrang inis, ginawa ko na.

Tangina mo kasi, Dos. Hinayaan mong sumabog ka sa galit. Pati si Brie na wala namang kinalaman sa galit mo, dinamay mo pa.

Napahilamos ako ng ng mukha paitaas hanggang sa umabot ang mga kamay ko sa batok at doon ko sila pinagbuhol.

Kagabi ko pa minumura ang sarili ko.

Masyadong mali ang ginawa ko.

Kung mag-thro-throwback ako sa mga araw na nagdaan, sobrang laki ng tulong ni Brie sa pinagdadaanan ko. Hindi ko malalagpasan 'yon kung wala siya.

Nakakalimutan kong nalulungkot pala ako kung kasama ko siya.

Habang tinutulungan ko siya sa pag-mo-move on kay Young Master, hindi niya alam na tinutulungan din niya akong malampasan ang bagyo sa buhay ko. Nang walang ginagawa. Ngumiti lang siya nang maliwanag, kahit may bagyo, pakiramdam ko okay na 'ko.

Korni, pero totoo.

Para siyang...

Halos mapapikit ako sa liwanag na tumama sa mukha ko.

Sa isang metallic blue na Civic Sedan na huminto sa labas ng gate namin nagmula ang ilaw na 'yon.

Andito na siya kaya kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng gate.

"Jade! Wazzup! Wazzup!" bati ko sa mukhang naasar na bespren ni Brie pagkalabas niya ng kotse.

"Gosh! Bakit kasi kailangang ganito kaaga?"

Natawa ako at nilagay ang mga gamit sa backseat. "May mag-ma-mañanita bang 'di sa madaling araw gagawin?"

"Malay ko ba! Ngayon ko lang nalaman na meron palang gan'on."

Nginitian ko siya nang malapad. "Tara na!"

03:31 AM



"Ready ka na?"

Niingon ko si Jade, yakap-yakap ko na ang gitara ko at nasa labas na kami ng bakuran ng bahay nila Brielle. Nakasandal kami sa kotse niya. Mambubulabog kami.

"Kinakabahan ako," amin ko.

Tinawanan niya ako. Tumingala siya sa bahay at humalukipkip. "Nah, you'll be just fine." Tapos humikab.

Antok na antok talaga, eh.

"Baka makalimutan ko ang lyrics," sabi ko.

"'Di ka ba nag-practice?"

"Nag-practice naman pero sandali lang 'yon kasi may ginawa ako."

"Ano?" wala sa isip niyang tanong.

Nginisihan ko siya. "Sekretong malupet!"

Bumuntong-hininga siya at kinuha ang telepono sa bulsa. "May Google naman for the lyrics." Lumingon siya sa kalsada nang may napansing may paparating. "Oh, they're here."

Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa grupo. "Sino sila?" pagtataka ko.

Tumayo si Jade at nilagay ang telepono niya sa tenga. "Mga back up mo." Mapagbiro ang ngiti sa kanyang labi.

"Ha?"

Pero 'di na niya ako pinansin dahil mukhang may kausap na siya sa phone niya. "Tita Mommy? We're here."

Dos and Don'tsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon