July 09, 2017 | 02:28 PM

339 37 4
                                    


"Po, hashtag Sunday fam day ngayon, 'di ba? Pero ba't gan'to?"

Nilibot ko ang paningin sa buong sementeryo. Lapida. Lapida. At puro lapida ang nakikita ko.

Napakasaya naman dito! Haaay.

Nginitian ko ang lapida ni Popo. Nakasindi do'n ang kandilang nasa baso.

"Ba't ka kasi umalis," sabi ko sa kanya. "Miss na miss ka na ni Wawa, aba. 'Lam mo bang nahuhuli ko s'yang umiiyak? Wala akong ibang sinisisi kundi ikaw. Ikaw talaga dahilan n'on! Alangan namang ako? 'Di ako nagpapaiyak ng babae."

Nailing ako.

Inilibot ko ang mga braso ko sa mga tuhod ko at pinagbuhol ang mga daliri. "Kung 'di ka umalis, nasa kwarto mo sana tayo ngayon. Nanonood ng mga luma mong VHS. Kumakain ng ice cream." Mas lumapad ang ngiti ko. "Okay lang sa akin na paulit-ulit manood. Kahit ma-memorize ko na linya nila Dolphy at Babalu. Kahit maumay na 'ko sa ice cream . . . basta kasama kita."

Naghimas ako ng batok. Parang sumakit, e. Nakonsumisyon sa matanda.

"Sinubok kong manuod kanina. 'Di na nakakatawa jokes nila. Ang pangit na rin ng lasa ng ice cream. 'Di ko natiis, nag-walkout ako at nagpunta dito. Gusto mo next time, dalhin ko 'yong VHS mo? Dala na rin ako ng ice cream?" Tumawa ako, kinakabog ang naninikip na dibdib. "Wala palang saksakan dito." Lumakas pa ang pagtawa ko. "Paano manonood kung walang saksakan?"

Tawa ako nang tawa. Idinikit ko ang mga basa kong mata sa manggas ng t-shirt ko. "Putek, Po, naluluha ako sa sarili kong katangahan."

Umihip ang hangin. Mainit. Suminghot ako.

Para malimutan ko ang sariling katangahan, tiningnan ko na lang ang puntod ni Young Master. Nakapatay ang kandilang nandoon.

Naalala ko ang magandang babae.

Pangalawang beses nang nandito ako na wala s'ya.

Mali 'ata talaga ako ng hinala. Hindi ko na 'ata s'ya makikita ulit.

Bumuntong-hininga ako. Mas bumigat pa ang nararamdaman ko ngayon kesa kanina.

Dos and Don'tsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon