July 27, 2017 | 12:54 PM

175 23 4
                                    

"Wawa kong maganda!" masaya kong bati kay Wawa pagka-akyat ko ng bahay. Kagagaling ko lang ng talyer sa baba, gusto ko nang maligo, magbihis, makapagpabango at mas magpapogi para makita na si Brie—si Popo o ang puntod niya. Sige na, silang dalawa na. Pareho ko din naman silang miss.

Nyehehe! Bumabanat ang pogi.

"Apo kong pogi."

Natawa ako sa bati din sa akin ni Wawa. Ganito lang talaga kaming magloko—este, maglambingan. Gusto ko nga siyang yakapin pero galing ako sa ilalim ng jeep ni Mang Pedring.

Dalawa lang ang posibleng amoy ko. Una, kalawang dahil tinubuan ng jeep 'yong kalawang niya. Pangalawa, grasa, alam mo na, common pabango naming mga mekaniko.

Nanonood ng TV si Wawa. Kasama niya si Duke pero wala sa nagtatawanang mga hosts ang atensyon ng pamangkin ko, nasa Lego niya.

"Wa, maliligo lang ako, ha?" pagpapaalam ko.

Winagayway niya sa ere ang kanang kamay para palayasin na ako. "Hala sige, abot hanggang dito iyang amoy mo. Maawa ka sa ilong ng Wawa mo."

Pabiro kong iniangat ang mga kamay ko, habang lumalapit sa kanya, may balak na yakapin siya.

Kinuha niya ang isang suot niyang fluffy tsinelas. "Sige, lumapit ka. Makakatikim ka neto!"

Pero parang wala akong narinig at itinuloy lang ang paglapit.

"Susmaryosep!"

Malapit na ako, payakap na, nang matigil dahil sa pag-ring ng isang cellphone.

🎶 You can dance, you can jive, having the time of your life 🎶

Aysows! Alam na alam ko kung kanino ang ring tone na 'yon. Sa nag-iisang dancing queen ng buhay ko, si Dorina.

"Nakow! Save by the ring si Wawa," sabi ko sa kanya at tumayo na nang matuwid.

🎶 See that girl, watch that scene, digging the Dancing Queen 🎶

Kinuha na ni Wawa ang telepono na nasa tabi niya lang sa sofa. Nakalimutan 'ata 'to ni mama kanina. "Sagutin mo nga, apo, at baka importante."

Naupo na ako sa tabi niya habang nasa cellphone ni dancing queen ang mga mata ko.

Di naka-save ang numero. Pero sinagot ko.

"Yo! Wazzup! Wazzup! Pinaka-poging anak ni Dorina speaking!"

"Wala namang ibang lalaking anak si Dorina."

Dahan-dahan kong nilingon si Wawa, nasa TV ang focus niya pero ako 'yong tinitira.

"Hello?" sabi ko ulit nang walang magsalita sa kabilang linya. Napatingin na sa akin si Duke na nasa sahig kaya nginitian ko siya at nag-pogi sign. Pero nagsalubong ang mga kilay ko nang wala pa ring nagsalita. "Hello prom de ader saaaaayd~"

Nahampas ni Wawa ang hita ko. "Ayusin mo ang pag-sagot."

Pinakita ko sa kanya ang telepono, naningkit siya sa pagbasa sa mga numbers sa screen.

Connected pa rin ang tawag. Nadadagdagan ang mga segundo sa call time.

"Wala pong nagsasalita, Wa."

Matagal ang pagtitig ni Wawa saka niya ako binalingan. "Kausapin mo nang maayos," utos niya ulit, malambot na ang ekspresyon.

Ibinalik ko ang telepono sa tenga ko. May ingay sa background ng kung sino man 'tong tumatawag kaya sigurado akong nakikinig lang siya.

"Hello? Alam mo bang napapagalitan na ako ni Wawa dahil sa 'yo? Magsalita ka naman!"

"He—"

Dos and Don'tsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon