July 26, 2017 | 06:51 AM

207 27 4
                                    

Maaga kaming gumising ni Brie para maaga rin kaming makauwi. Maya't-maya na kasi ang pag-ring ng mga telepono namin. Kinakamusta na kami ng mga taong kinalimutan muna namin pansamantala at nagtatanong na sila kung kailan kami uuwi.

Kaya heto na, nakasakay na kami sa motor ko at binabagtas na namin ang daan pauwi. Punong-puno na ang mga backpacks namin ng mga pasalubong. Sigurado akong napaka-pogi ko na lalo mismo sa pagbibigyan ko sa bahay.

Nauna nang umuwi sila Vans kahapon ng hapon. Share ko lang.

"We're going back to reality, huh?" pasigaw na tanong ni Brie para marinig ko.

"Oo, eh," sabi ko rin nang malakas. "Kalungkot nga."

Natawa siya. "It's okay. At least nagkaroon tayo ng breather from everything."

At nagkaroon din ako ng mas mahabang oras na kasama ka, na 'di ko na sinabi. Baka ano pang isipin ni Brie. Saka wala din akong lakas ng loob na sabihin 'yon nang malakas.

02:07 PM

Ilang oras lang nang makabalik ako sa bahay at sa talyer, tumakas na naman ako.

"Brieeeeee!" sigaw ko habang patakbong lumalapit sa kanya.

Nakaupo siya sa harap ng lapida ni Young Master, namimilog ang mga mata. "The heck. Ang ingay!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

Natatawa akong nag-indian sit sa tabi niya pero si Popo muna ang kinausap ko. "Popo! Wazzup? Wazzup? Na-miss mo ba ang pinaka-pogi mong apo?" masigla kong sabi habang nagsisindi ng bitbit kong kandila.

Nakalimutan kong magdala ng fenk na bulaklak para sa kanya. Bukas na nga lang.
Tapos nginisian ko si Brie.

Nailing siya. "Ba't ang hype mo?"

"Masaya lang! Inasahan ko kasing ako lang mag-isa dito ngayon. 'Kala ko kasi magpapahinga ka muna. Kagagaling lang natin sa byahe 'di ba?"

Nag-iwas siya ng tingin. Tumikhim bago nagsalita. "A-ano kasi... kailangan ko nang makita si Vince."

"Kailangan?"

"I-I missed him." Natawa siya. "Lagi naman."

"Ahh," tumatango kong sabi.

"Ikaw? Why are you here?"

"Na-miss ko rin si Popo!" masigla kong sabi, nasobrahan sa pagkasigla. "'Lam mo 'yong pakiramdam ng isang estudyanteng galing sa masayang bakasyon tapos natapos na 'yong bakasyon at first day niya ulit sa school?"

Napangiti si Brie, hashtag relate sa sinabi ko.

"Gan'on na gan'on ang pakiramdam ko ngayon, Brie. Nakakatamad kumilos sa talyer. Kaya tumakas ako."

"Nag-cutting ka."

Natawa ako sa biro niya. "Parang gan'on na nga." Nagkatawanan kami tapos nilabas ko ang phone ko. "Gagawin na ba natin ngayon 'yong pang walong step?"

Kinagat niya 'yong ibaba niyang labi tapos nagkibit-balikat. "Pwede naman."

"Okay!" masigla kong sabi tapos nag-swipe at nag-scroll na ako sa phone ko para mabasa 'yong pang walo sa listahan. "Gawin daw ulit 'yong pang-limang step..." Tiningnan ko si Brie, "balikan ang nakaraan at titingnan kung may nagbago ba."

"Oh.. okay..."

Pareho kaming natahimik.

Ang hirap naman kasi. Ano, babalik kami ulit sa probinsya? Kauuwi lang namin tapos aalis na naman kami?

Isa pa, marami na kaming mga responsibilidad na kinalimutan pansamantala. 'Di na pwedeng baliwalain ulit ang mga 'yon.

"I don't think that's a good idea right now, Dos."

Dos and Don'tsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon