Five months ago, nandito din ako sa kinauupuan ko ngayon.
Kaparehong pwesto.
Kaparehong mesa.
Kaparehong alak.
Tumungga ako ng pulang kabayo.
Kaparehong bar. Pula din 'yon.
At kaparehong kainuman.
"Boss!" Nilingon ko siya. "Ba't tayo nag-iinom?"
Tumungga ako. "May kwento ako."
Inayos niya upuan niya para makalapit sa akin. "Ano 'yon, Boss?"
Tinulak ko mukha niya. Sobrang lapit, eh. "Dos sabi! Ilang beses ba kitang dapat pagsabihan?"
Tumawa siya. Sumandal muna sa upuan. "Ulit. Ulit." Tapos lumapit. "Ano 'yon, Dos?"
Napabuntong-hininga na ang ako sa kalokohan niya. "Sabado ngayon 'di ba?"
Tumango-tango siya na nakapikit pa.
"'Pag Sabado, maaga siyang nagpupunta ng sementeryo—"
"Sementeryo? Sino?"
"Tapos," pagdiin ko para ipagpatuloy ang sinasabi sa kabila ng tanong niya. "Inagahan ko pagpunta d'on kanina—"
"Ah! Kaya pala ang aga mong nawala sa talyer—" natigilan siya nang makitang nagkakamot na ako ng batok sa asar. "Tapos? Tapos?" dali-dali niyang sabi.
Hinimas ko ang batok ko. "Pagkarating ko d'on, wala siya—"
"Sino nga siya?"
'Di ko siya pinansin. "Kaya naghintay ako."
"Sanay naman tayong maghintay," sabay inom ng alak.
"...nang naghintay... nang naghinatay... nang naghintay." Napahilamos ako ng mukha. "Hanggang sa nagtanghalian na lang! 'Di siya dumating!"
Salubong ang mga kilay ni Dondon na nakatingin sa akin. Tapos lumagok siya ng beer. "Bakit kailangan niyang dumating? Anmeron ba?"
Napasandal ako sa sinabi niya, napatingin sa kalsada. Tapos tumungga ako ng beer.
Ano nga bang meron?
Tungga.
Bakit kailangan niyang dumating? Simple lang. Kasi palagi na niya 'yong ginagawa. Daily routine na niya ang pagdalaw kay Young Master. Normal na 'yon sa buhay niya.
Tapos bigla akong dumating. Nanggulo. Pilit na pinapasabay siya sa trip ko. Pilit na dinadala siya sa kung saan para na rin maalis siya sa malungkot na lugar na 'yon.
Nagpapaka-astig pa kasi akong nag-isip na ang isang kagaya niyang anghel ay 'di bagay sa sementeryo. Ang isang Brielle Lorren Amandine Ybañez, 'di karapat-dapat na maging malungkot.
Gusto kong hilahin siya palayo sa lugar na 'yon.
Sa lugar na 'yon lang ba?
Tungga.
Oo na, konsensya, inaamin ko na. Simula nang malaman kong fiancé niya si Young Master, may parte sa akin na gustong ilayo siya kay Young Master mismo.
"Boss!"
Tiningnan ko si Dondon.
Nagtaas siya ng kamay na parang estudyante. "May tanong ako."
"Busy ako."
"Boss, naman!"
"Ano?"
Ngumisi siya na para bang may lihim na sasabihin. "Ano kasi, boss... napapag-usapan ka namin minsan nina Mang Kulas." Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Teka lang naman! May dahilan naman! 'Yang pagpupunta-punta mo ng sementeryo..."
BINABASA MO ANG
Dos and Don'ts
General FictionAko si Dos Solmeron, poging mekaniko sa umaga, pogi na lang sa gabi. Naniniwala sa kasabihang, "If there's a Will, there's a jacket. At kung umiyak ka, may payb tawsan ka pa." S'ya si Brielle Ybañez, isang dalagang ayaw mag-move on sa fiance n'yang...