Nakapatong na ang kamay ko sa malamig na door knob. Ipipihit ko na sana para mabukas nang makarinig ako ng ingay mula sa loob.
Marami sila. Mga tita at tito ko. Mga pinsan. Pero isang boses lang ang nagpapigil sa akin sa pagbukas ng pinto.
Andito na naman siya.
Nakarinig ako ng mga tawanan. Mukhang gising si Wawa at nakikisali ito sa usapan. Medyo umaayos na ang lagay niya at nawala na rin ang pagkahilo. Kung magtuloy-tuloy 'yon baka payagan na kaming makauwi.
Bida na naman siya sa kwentuhan. 'Di pa rin pala 'yon nagbabago. Lage na lang siyang benta sa mga nakakausap.
Maraming nagsasabing minana ko 'yon sa kanya.
Napahimas ako ng batok.
At tumalikod. Naglakad palayo.
Mamaya na lang ako papasok. Baka masira ko pa ang mood sa loob. Ayokong maging poging bummer.
Paliko na sana ako sa dulo ng hallway nang biglang...
"Dos!"
Natigil ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag.
Ang pinsan kong si Genesis pala kasama si Rayne. Galing sila sa loob ng kwarto.
'Ge na, Dos, ilabas ang ngiti.
"Gen, Ulan, wazzup!" masigla kong bati sa kanila, lumalapit.
Nag-iba na naman ang kulay ng buhok ni Rayne. Noong huling beses ko siyang makita, kulay asul at may pink sa dulo ang buhok niya. Ngayon, blonde tapos green ang dulo.
Nakilala ko siya dahil na rin dito sa torpe kong pinsan. Nagpatulong siya na ligawan si Rayne. Hindi ko nga lang sigurado kung may naitulong ba ako sa kanya.
Napansin kong pareho silang pagod. Sino ba naman ang hindi? Naglalakihan ba naman ang mga backpacks na pasan?
"Aba, aba! Ano 'yan? Magtatanan na kayo?"
Batok ang nakuha kong sagot mula kay Genesis. Natawa si Rayne, wamport dahil sa hirit ko triport dahil sa pambabatok ni Gen.
"Galing kaming bundok," pag-inform niya.
"Ginawa n'yo d'on?"
Iniangat lang ni Genesis ang likod ng kamay bilang sagot.
May kakaibang tattoo ang nakatatak doon. Sobrang bago pa. Medyo namumula at namamaga pa nga.
Alam ko na! Galing silang Mt. Province! Doon nakatira ang pinakamatandang mambabatok ng Pilipinas na si Apo Whang Od.
"Astig, ah?" komento ko sabay tapik sa tattoo ni Gen.
Napangiwi siya sa sakit.
Nagkatawanan kami ni Rayne habang nagmumura ang pinsan ko.
"Ba't 'di ka pumasok?" pagtataka niya nang medyo nahimasmasan na sa kumikirot na kamay.
Napahimas ako ng batok. Alam kong alam na ni Gen ang ibig sabihin n'on. 'Di ko na kinailangang sagutin pa ang tanong niya.
"Food trip tayo?"
Ngumiti si Rayne, "gusto ko 'yan! Libre mo?"
Kung 'yon man ang kapalit para makalayo muna, "Tara!"
05:56 PM
Nanguna ako sa paglalakad sa sidewalk habang 'yong dalawa, nakasunod lang sa likuran ko, may sariling mundo.
BINABASA MO ANG
Dos and Don'ts
General FictionAko si Dos Solmeron, poging mekaniko sa umaga, pogi na lang sa gabi. Naniniwala sa kasabihang, "If there's a Will, there's a jacket. At kung umiyak ka, may payb tawsan ka pa." S'ya si Brielle Ybañez, isang dalagang ayaw mag-move on sa fiance n'yang...