Chapter One

787 35 8
                                    

This story is dedicated to JOniKUYA0907, elleoftheboulevard and PhilippinesErline
-----------

"Ano, Binibining Sesha Josephine, tapos na ba ang pag-akyat mo ng ligaw ngayong araw?"

Iyon ang bungad sa kanya ng kaibigan at kaklase niyang si Erlind pagbukas niya ng pintuan ng sasakyan nito. Ngumisi siya at saka prenteng umupo sa passenger seat.

"I'm done for the day. Bukas ko na ulit ipagpapatuloy."

Isang buntong hininga ang narinig niya mula sa back seat. Nilingon niya ang kaibigang si Kristella na seryosong nagbabasa ng libro sa Calculus. Oo nga pala. Finals nila sa subject na iyon ngayong hapon.

"Ewan ko ba kung bakit patay na patay ka sa kapatid ni Kristella. Ang dami namang nagkakagusto sa iyong mga lalaki sa campus. May ibubuga din naman ang tabas ng pagmumukha at pangangatawan ng mga iyon pero heto ka't nagpapakahirap mapansin lang ng lalaking ayaw naman sa iyo."

Inabot niya ang seatbelt at saka isinuot iyon. "Pang isang daang beses na real talk mo na sa akin iyan Erlind, siguro naman alam mo na never kong susundin iyang mga pangaral mo di ba?" Sarkastiko niyang sagot habang nginingitian ito ng matamis.

"You're crazy." Iiling iling na lang na wika ni Erlind sa kanya. "You're top of our class pero pagdating kay Atticus, parang laging nasa outer space ang katalinuhan mo friend."

"I'm just crazy in love with him." She said with dreamy eyes.

Erlind looked at her as if she wanted to puke.

"Kahit ilang beses kang manligaw, hindi ka papansinin ni kuya."

Isang irap ang iginawad niya kay Kristella. Isa pa 'tong nega na 'to.

"Excuse me, but I'm your brother's ideal type— maganda, sexy, mayaman at matalino. Anong aayawan niya sa akin?"

Mula sa binabasang libro, isang naghahamong tingin ang iginawad ni Kristella sa kanya. Sinalubong niya ang tingin nito.

"Gusto mong sagutin ko iyan?"

She looked at her haughtily. "Fine! Let's hear it." She challenged na agad naman niyang pinagsisihan ng marinig ang sagot nito.

"You're too young for kuya Atticus. And if you really know him, you'll know he doesn't go with teenagers who looked like they are fresh out of the cradle."

Naginit ang mukha niya sa inis. "I'm turning eighteen next month!" She yelled in frustration.

"Doesn't matter. Mukha ka pa ring may gatas sa labi." Balewalang sagot ni Kristella habang inililipat ang pahina ng libro.

Isang halakhak ang kumawala kay Erlind. Nalukot ang mukha niya.

"You are so mean, Kristella! Both of you are so mean!"

"Hay nako binibining Sesha Josephine, ipagpabukas mo na lang ulit ang pakikibaka mo diyan sa sinisinta mo, okay? May exams pa tayo. We have to focus."

"Focus naman ako. Atticus likes intelligent women. Kaya lagi akong prepared sa mga exams natin. Nagreview na nga ako kagabi para may oras akong bisitahin siya ngayon sa opisina niya. I'll show him. I'll be the most intelligent amongst his women—"

"Only you aren't one of his women." Putol ni Kristella sa kanya.

She glared at Kristella. Her remarks are ticking her off.

The Minxes Series Book One: Asking for the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon