Chapter Twelve

388 33 6
                                    

Katakot takot na sermon ang inabot niya paguwi ng bahay. Tanging ang kanyang papa lamang ang malumanay na nagbigay ng kanyang opinyon at pangaral, while her mom and kuya refused to let her see the end of it. Good thing Atticus didn't rat her out about staying at Xavier's house, or else, she'd be grounded for months.

Pagkatapos ng sermon ay saka pa lamang siya hinayaan ng mga itong maka-akyat ng kanyang kwarto at makapagpahinga. Pagkabihis ay diretso na siya sa kama at natulog.

Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog, but she woke up dry-heaving. For the first time in her life, she had a nightmare.

What happened to her at the bar came back, hunting her in her sleep. It was so vivid na pakiramdam niya'y damang dama niya ang sakit ng sampal na natamo niya, ang disgusto mula sa mga halik at haplos ng lalaking iyon sa kanya, ang takot.

Her breathing quickened. It feels like the fear is slowly choking her wind pipe. Suddenly, it was so hard to breathe.

Marahas niyang iwinaksi ang makapal na kumot na nakabalot sa kanyang katawan. Sumalubong sa kanya ang hanging nagmumula sa nakabukas na veranda sa kanyang kwarto. Wala sa loob na napalingon siya doon at ganoon na lamang ang takot niya ng makakita ng isang anino ng lalaking nakatayo doon.

He was leering and staring at her with lust-filled eyes. Her heart went to her throat when he took a step closer. She was so scared that she started screaming her lungs out.

"Sesha!"

"Sesha, wake up!"

Marahas siyang napabalikwas sa kama at sunod sunod na huminga ng malalim. Sa nanlalaking mga mata ay iginala niya ang paningin sa kanyang paligid hanggang sa tumutok iyon sa veranda. It was close. Walang anino. Walang lalaking gustong pumasok.

It was just a dream... a nightmare.

"Are you alright? Ano ba ang nangyayari sa iyo?"

Doon lang niya napansin ang kuya niya nakatunghay sa kanya at nakahawak sa kanyang balikat. Without meaning to, her body moved away from him. Kumunot ang noo nito sa iginawi niya. Doon pa lang siya natauhan.

"I..." She cleared her throat to stop it from shaking. "I watched a horror movie and I had a nightmare."

Ilang segundo siyang tinitigan ng kanyang kuya. Tila inaaral ang sinabi niya. Pagkalipas ng ilang sandali ay napabuga ito ng hangin.

"Bakit ka kasi nanood ng horror eh matatakutin ka naman pala?"

She chuckled nervously. "I-I couldn't help it. The plot is good."

He sighed. "O siya. Bumaba ka na at mag-almusal. Male-late ka na sa school."

Tumango siya at saka bumaba ng kama.

"Si mommy? Hindi ata siya ang gumising sa akin ngayon?" Pag-iiba niya ng usapan.

"She did. Pero mahimbing ang tulog mo. She gave you thrirty minutes to sleep actually. Ako na lang ang pina-akyat niya para gisingin ka." Sagot ng kanyang kuya na nakatayo sa may pinto.

"Oh. Sige kuya, I'll be down in twenty minutes."

"Okay. Bilisan mo ah. Late ka na."

"Yes."

Pagkalabas nito ng kwarto ay naihilamos na lang niya ang palad sa mukha. She flinched. How could she do that to her own brother just because she's scared of a nightmare?

Natawa siya sa sarili. That's crazy, Sesha.... you're crazy.

Pagbaba niya ng kusina ay naroon na ang mga magulang niya at kuya niya na nag-aalmusal. Umupo siya sa tabi ng mommy niya at kumuha ng toast at scrambled egg sa hapag.

The Minxes Series Book One: Asking for the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon