Chapter Thirteen

410 33 5
                                    

"How's your debut going?" Erlind asked Kristella while they are walking towards the school garden.

"It's going okay, tomorrow I need to visit the ballroom with the organizers."

"Oh... doon yan sa hotel ninyo di ba?"

"Yeah, and I am wondering if you two could come with me."

Inilatag niya ang shawl sa damuhan at saka umupo doon.

"Sa akin ay walang problema. My schedule is clear tomorrow." Sagot ni Erlind pagkaupo nito sa kanyang tabi. "Ikaw, Sesha?"

Mula sa hawak na libro'y nag angat siya ng tingin. "I could take a raincheck."

Kristella pouted, "Can you come with us, please Sesha? I really want you to be there..."

Nakagat niya ang ibabang labi. Kahit na labag sa kalooban niya na pumunta ay hindi niya ipinahalata iyon. Isang pekeng ngiti ang pinakawalan niya bago tumango.

"Okay..."

"Wonderful! So nine am tomorrow ah? Don't be late."

Erlind rolled her eyes. "If I know, ikaw lang ang male-late sa ating tatlo." Pasaring nito na ikinabungisngis nilang magkakaibigan. "By the way, malapit na din ang graduation natin. Just a month na lang after ng debut mo, Kristella. Final exams na din next month."

Kristella sighed. "Yeah, I need to focus on that too, ang hirap nga dahil may debut ako tapos kailangan ko pang mag-review para sa exams at the same time."

"Kaya mo iyan, may organizers ka naman eh. Mas mag-focus ka na lang sa exams."

"Erlind's right. Hindi mo pwedeng balewalain ang exams natin. Remember, we need to take the college entrance exams after. So we need to study."

"Iba talaga ang mensahe kapag galing sa goody two shoes nating kaibigan."

"Oo nga eh, feeling ko tuloy kailangan ko ng magbuklat ng libro at mag aral ora mismo." Biro ni Kristella.

Natawa siya. "Mga sira!"

Kinuha ni Erlind ang Doritos saka iyon binuksan. "Kidding aside, saan tayo magco-college? Kung saan kayo, doon na rin ako." Ngumunguyang tanong nito.

"Well there's UP, Ateneo and La Salle. Saan ninyo gusto?" Si Kristella habang dumudukot ng Doritos.

Hinayaan na lang niya ang dalawa na mag-usap. Then she felt a nudge on her side.

"What?"

"Ano ang papasukan nating university?" Si Erlind ang nagtanong.

She shrugged, "Hindi ko alam sa inyo."

Napansin niya ang matitiim na titig ng mga ito kaya naman nawala sa binabasang novel ang atensyon niya.

"I'm still thinking. May ilang buwan pa naman bago ang graduation so just relax." Sa halip ay sagot niya na lang.

Tumango ang dalawa at mayamaya pa'y balik na naman sa daldalan ang mga ito habang siya ay ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Maaga siyang naghanda kinabukasan. Padating sa dining table ay naroon na ang kanyang parents at kuya.

"You going somewhere?"

The Minxes Series Book One: Asking for the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon