"Sumabay ka na sa akin bukas papunta ng office."
Mula sa laptop ay nag-angat siya ng tingin sa kapatid. "Bukas? Do I need to go to the office, kuya?"
"Malamang. You're the new appointed Executive Director of Illustre Steel. You have to make appearances."
"Posisyon na in-appoint mo, kuya. I haven't agreed to it."
"Sesha..." Came his warning tone. "This is a serious matter."
Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Seryoso din ako kuya noong sinabi ko na babalik ako ng US para doon mag-aral." Giit niya.
"At ano, papabalikin natin si dad para mag-trabaho despite his condition? Can't you help me on this one, Sesha? I already have a lot on my plate right now..."
She bit her lip. Now she feels like she's the bad guy here. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango na lamang sa gusto nito.
"Just until my vacation ends. And no more buts, kuya."
Kinabukasan, sabay sila ng kuya niyang pumasok sa kumpanya. Her brother took it to himself to introduce her to the board and to everyone. Buong umaga ata na nakapaskil lang ang isang pekeng ngiti sa kanyang mga labi. She couldn't be totally happy about it knowing that she never wanted it.
Huli siyang inihatid ng kuya niya sa dati nitong opisina. He assumed their dad's position kaya kasalukuyan itong nasa opisina ni dad. Ang opisina na nakatalaga sa kanya ay ang dating opisina nito since she's currently assuming his previous position.
"Wala ng laman ang mga drawers kaya feel free to put anything you want in there."
Tinitigan niya ang dalawang filing cabinet na nasa gilid.
"I'll be leaving Clara with you. Siya ang dati kong secretary. She'll assist you with your work. Wala kang dapat ikabahala kasi subok na at magaling iyang si Clara."
Wala sa sariling napatango siya.
"If you need anything, just call me, okay?"
"I will."
"Oh sige, maiwan na kita."
Kahit ng wala na sa paningin niya ang kuya niya ay nanatili pa din ang mga mata niya sa pintuan. She groaned. How she wanted so bad to fling herself out of the door and just get away from this place!
Muli siyang napabuntong hininga. Umikot siya sa mesa at saka umupo sa swivel chair. Biniksan niya ang laptop. Sakto namang pumasok si Clara upang i-feedback ang schedule niya sa buong araw.
Tumakbo ang buong araw niya sa pag-attend ng dalawang company meetings at pag review ng mga existing projects and business plans na kasalukuyang ginagawa ngayon ng kumpanya.
She was assigned to her position abruptly and unexpectedly kaya kailangan niyang matuto as soon as possible. Mabuti na lang din at maalam ang sekretarya niya.
Clara, her middle aged secretary, gave her all the documents that she needed to go through. It was a huge pile of documents actually. It's a good thing studying is one of her strong suits.
Nakatuon ang pansin niya sa dokumentong nasa harap niya ng kumatok si Clara sa pinto. Nagpaalam ito sa kanya na uuwi na. Makalipad ang ilang minuto, sunod namang sumungaw sa pinto ang kuya niya.
"How's your day?" Tanong nito pagkaupo sa couch.
"Very tiring. I've been studying several plans and reports all afternoon."
"Hmm. Kamusta si Clara?"
"Very smart. I like her." Sagot niya habang nakatutok pa din sa dokumentong hawak ang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Minxes Series Book One: Asking for the Moon
RomantizmSesha Josephine Ilustre has everything a plain Jane would ever want in life- expensive clothes, jewelries, cars, attention, the love and support of a family... you name it. She revel at the fact that she could go to an elite school not because of he...