Now Playing: Deja vu by Olivia Rodrigo
--------------------
"I want Atticus to be my escort on my birthday."
Natigil mula sa pagtipa sa laptop ang kapatid nang marinig ang sinabi niya. Pinagsalikop nito ang mga daliri at saka ipinatong doon ang baba. Matiim siya nitong pinakatitigan pagkatapos.
She squirmed on her seat. Dahil nakaupo siya sa tapat ng mesa ng kapatid ay hindi siya makaiwas sa klase ng tingin nito.
"Kuya..."
"If you want him to be your escort, then ask him yourself."
Naglapat ang kanyang mga labi. Gusto niyang mapanguso sa inis.
"He would say no."
"Exactly. So bakit pa natin ito pinaguusapan ngayon eh alam naman natin kung ano ang isasagot niya sa bagay na hinihiling mo?"
"You two are bestfriends. Maybe if you ask him—"
"No." Putol ng kuya niya sa kanya. Ipinagpatuloy nito ang pagtipa sa laptop.
"Kuya, patapusin mo muna kasi—"
"No." Muli nitong putol sa kanya.
"You are so frustrating!" Naipadyak niya ang high heeled shoes sa sahig.
"Atticus will never agree, Sesha. Kilala ko siya."
"Please? Kahit iyon na ang birthday gift mo sa akin— No, actually kahit iyon na ang pinakahuling gift mo sa akin sa buong buhay ko."
Nagsalubong ang dalawang kilay ng kapatid niya.
She clasped her hands in front of him and mustered a pleading look. "Please kuya... sige na, please..?"
Isang buntong hininga ang pinakawalan nito.
Nakagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang sariling mapangiti. Kapag ganoon na kasi ang ekspresyon nito, alam niyang pumapayag na ito sa gusto niya.
"I'll try."
She squealed in delight. Tumayo siya at umikot sa mesa nito upang bigyan ito ng mahigpit na yakap.
"Thanks kuya! You're the best. I love you so so much!"
Kuya Joaquin chuckled. "You're such a brat, Sesha Josephine."
"You love me still. Pano kuya, I'll go to school na. I don't want to be late." Naglakad siya papunta sa pinto.
"Wait. Is it just me o tumangkad ka?"
She froze in her step. Nilingon niya ang kapatid.
"It must be my shoes." She chuckled awkwardly.
Pinasadahan nito ang suot niya.
She's wearing a white long sleeves shirt tucked in a high waisted pleated checkered skirt that ends at the middle of her thighs. Nakasuot siya ng knee high black stockings at pinarisan iyon ng itim na Manolo Blanik stiletto shoes. Suot suot niya ang itim na coat na may logo ng International School nila.
Sumeryoso ang mukha nito. "At kailan ka pa nagsuot ng stiletto sa school ha, Sesha Josephine? And your skirt... isn't it too short?"
Napalunok siya. Mabilis siyang naghagilap ng palusot. "I'm just practicing my walk kuya. Malapit na ang party ko. Kailangan kong masanay sa pagsuot ng ganito para di ako mapahiya sa event. Isa pa, ganito naman talaga kahaba ang skirt ko kapag pumapasok ako sa school."
Matagal siyang pinakatitigan ng kapatid. Tila ba inaarok ang katotohanan sa sinabi niya. And she prayed to god he believes it.
"Okay. Just don't force yourself too much. Nagmumukha kang mature sa suot mong sapatos eh."
BINABASA MO ANG
The Minxes Series Book One: Asking for the Moon
RomanceSesha Josephine Ilustre has everything a plain Jane would ever want in life- expensive clothes, jewelries, cars, attention, the love and support of a family... you name it. She revel at the fact that she could go to an elite school not because of he...