Chapter Twenty One

344 24 7
                                    

Bukas na ang birthday niya and today, they are going to pick Xanya and her grandmother up at the airport. Dumating din kahapon ang parents niya at kasalukuyang tumutuloy ngayon sa bahay ng Auntie Jess niya.

Siya na ang nagmaneho papuntang airport, sa passenger seat naman ay si Xavier. Kahit tahimik ito, kitang kita niya sa mukha nito ang saya. It's obvious he's excited to see his sister and grandmother. Napangiti siya.

Ilang sandali pa'y nasa loob na sila ng airport. Naging problema nila ni Xavier ang pag-biyahe ng mag-lola pero nang mag-prisinta si Erlind na samahan ang mga ito sa paglipad patungong US ay nakahinga sila ng maluwag. Tamang tama dahil plano din talaga ng kaibigan niya na magbakasyon. Nasakto lang na birthday niya at byahe nila Xanya.

"There they are."

Napukaw ng isang babaeng may kulay platinum blonde na buhok ang tingin niya. Naka puting tank top ito na pinarisan ng skinny leather jeans at itim na knee high boots. Halos hindi niya nakilala ang kaibigan dahil sa malaking eye glasses na halos tumatakip na sa kalahati ng mukha nito. Kasunod nitong naglalakad si Xanya na akay-akay naman ang lola nito. Itinaas niya ang kamay at kumaway sa kaibigan. Pagkakita nito sa kanya, a huge grin crept into her face. Nagtitili ito at patakbong lumapit sa kanya na ikinatawa na lang niya. Grabe, hindi pa din ito nagbabago. Napaka-hyper pa din.

"Oh god, Sesha!"

She let out an 'oomph' when Erlind pulled her for a tight hug.

"Na-miss kitang babaita ka!" Tili nito.

Tawang tawa siya habang yakap yakap ito. "I miss you too, Erlind. How's it going?"

"Oh, good. At ito, maganda at sexy pa din." Namewang ito at nag pose na animo'y isang model sa vogue pictorial.

She rolled her eyes at her antics. "Hindi ka pa din nagbabago."

Lumipat ang tingin niya kay Xanya at kay lola na yakap yakap naman ni Xavier. Hindi niya mapigilang mapangiti habang nakatingin sa mga ito. Isang siko sa tagiliran ang nagpabaling sa kanya sa kaibigan.

"The things you do for love, my friend. Hanggang ngayon naso-sorpresa mo pa din ako." Bulong nito.

Again, she rolled her eyes at Erlind. "There is nothing surprising about this."

"Nah-ah. Hindi mo ako makukumbinsi ng ganyan mo. You really do care about him, don't you?" Nguso nito kay Xavier.

That, she didn't deny. "I do."

Erlind smirked. "We have so many things to talk about."

"Lagi tayong naguusap sa video call, Erlind. You are basically updated about my life." Matabang niyang turan.

"Well not when it comes to your love life. Napapansin ko nga na masyado kang malihim kapag tungkol na sa inyo ni Xavier ang usapan."

Well dahil wala naman talaga kaming relasyon. Gusto sana niyang isagot kaya lang pinigilan niya ang sarili. Hanggang ngayon, Erlind still thought that she and Xavier are a thing. Iyon kasi ang press release niya dito noon. Hanggang ngayon, hindi pa din niya naitatama ang maling akala nito kaya ganito na lang ito kung mag-assume sa kanila ni Xavier.

"Kailangang ikwento mo sa akin hanggang sa pinaka-exciting na part ng relationship niyo."

She frowned. "Exciting part?"

Erlind rolled her eyes, "Well, duh. The sex part, of course. Malaki ba? Masarap ba at higit sa lahat, magaling ba iyang boyfriend mo sa kama?"

Agad na lumipad ang palad niya patakip sa bibig nito. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Erlind! Iyang bunganga mo! Baka marinig ka ng mag-lola!" Na-eeskandalong singhal niya.

The Minxes Series Book One: Asking for the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon