The night is late and the after party is almost over. Matapos magpa-alam sina Erlind at Kristella sa kanya na uuwi na'y dumiretso na siya sa kanyang hotel room.
Malapit na siya doon ng may humagip sa braso niya. Isang malakas na singhap ang pinakawalan niya ng bumalandra ang likod niya sa pader. Nakulong sa lalamunan niya ang malakas na tili ng mapagtanto kung sino ang kaharap.
"What the hell, Atticus?!"
"What did you say to Chantal, huh? Alam mo bang iyak ng iyak iyong tao dahil sa ginawa mo ha, Sesha?!" Ang nag-aapoy nitong akusa.
Awang ang mga labing napatingin siya dito. Did he just manhandled me only because that woman, Chantal, cried?!
Ganito ba kaimportante ang babaeng iyon dito upang tratuhin siya nito ng ganito? Napuno ng sama ng loob ang puso niya.
"What's so wrong with what I did?" She said haughtily. "She acted like we're close. Inilagay ko lang naman siya kung saan siya dapat na lumugar. Bakit siya masasaktan?"
Atticus looked at her with disbelief. "What...?"
Nasasaktan siya sa klase ng tinging iginagawad nito. Na tila ba siya ang agad na masama sa kanila ng babaeng iyon. But of course, when did he ever take my side?
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo ha, Sesha? God... I thought you're starting to change. Now I see you're still the spoiled, arrogant brat I knew." Binitawan siya nito at saka lumayo.
Nasaktan siya. Marahas niya itong hinarap.
"Hindi naman mangyayari iyon kung hindi mo dinala ang babaeng iyon sa party ko, Atticus! I didn't invite her! Ni hindi ko nga siya kilala! Tapos kung makipag-usap siya sa akin akala mo matagal na kaming magkaibigan? If I know, she's just some trying hard wannabe who's hell-bent on climbing the social ladder!" Bulalas niya. Punong puno ng frustration at paninibugho ang boses.
In just a few strides, Atticus was in front of her, seething in anger. "You don't have any right to talk about her that way, Sesha! Chantal is a nice woman! Something that you will never be!" He spat.
Nawalan siya ng imik. Tila punyal ang mga salitang iyon na tumatarak sa puso niya. Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.
"I want you to stop coming to my office from now on. You make it so hard to even look at you, Sesha." Matigas nitong sabi.
"Atticus..." Garalgal na anas niya.
He just clenched his jaw. Walang bakas ng pagunawa sa mga mata nito habang nakatingin sa umiiyak niyang mukha.
"I mean it this time, Sesha. Walang napupuntahang maganda ang pagkagusto mo sa akin. You're starting to be obssessive."
"H-hindi naman ganoon iyon..." Tuluyan na siyang napaiyak.
"You shouldn't adore me this much. Nothing good will come out of it."
"Why..." Muling tanong niya dahil hindi talaga niya maintindihan. Why can't she adore him? Why can't she like him? Bakit hindi? Anong rason?
"You will only end up with a broken heart." He said in a solemn voice. Napakaseryoso ng ekspresyon nito at napakapinal ng tinig. Tila ba sinasabi nitong kahit na anong gawin niya ay mananatiling durog at walang pag-asa ang pag-tangi niya dito. She felt her heart break right then and there. "Ibaling mo na lamang sa iba ang pagtingin mo sa akin."
Hurt and humiliated, she couldn't do nothing at that moment but to stare at his retreating back. Ni ang tawagin ito pabalik ay hindi niya magawa. She was at a loss for words.
For many days she tried to get in touch with Atticus pero wala siyang napala. Nilapitan na niya si Kristella upang magpatulong ngunit maging ito ay walang magawa. Everytime she goes to his office, she couldn't even get past his secretary. Kung hindi ito nasa meeting ay sinasabi ng sekretarya nitong naka-out of town si Atticus.
BINABASA MO ANG
The Minxes Series Book One: Asking for the Moon
RomanceSesha Josephine Ilustre has everything a plain Jane would ever want in life- expensive clothes, jewelries, cars, attention, the love and support of a family... you name it. She revel at the fact that she could go to an elite school not because of he...