"Is it true that Xavier is here?"
Iyon ang bungad sa kanya ni Erlind pagpasok na pagpasok pa lang nito ng opisina niya.
Ipinagpatuloy niya ang pag scan ng dokumentong hawak.
"Yes." Tipid niyang sagot ng hindi ito nililingon.
Erlind settled herself on the couch.
"Omg! And is it true that he and Atticus met sa bahay ninyo mismo?"
Doon siya kunot noong tumingin dito.
"Who told you that?"
"Your mom." She answered in a 'duh' tone. "Kasi parang wala kang balak na magkwento sa akin eh. So I took matters into my own hand." She said smugly.
Bumuntong hininga siya. Inilapag ang dokumentong hawak sa mesa.
"Yes, they met at my house." Pag-amin niya.
Dumukwang ito paharap. "And?"
"And what?"
Erlind rolled her eyes.
"Eh ano ang nangyari? Nagkasagutan ba sila? Nagkasakitan? May naospital ba?"
She winced at how her friend assumed things. Really? Naospital talaga?
"Obviously none of those have happened, Erlind. Bakit mo naman naisip ang mga iyan?"
Sumandal ito sa upuan.
"Well, for starters, magkaribal sila. And knowing how touchy you were with Atticus these past few days? Let's just say na kung ako ang boyfriend mo, hindi aalis si Atticus sa bahay mo ng walang black eyes. I don't share kaya maghahalo talaga ang balat sa tinalupan 'no!"
Napanguso siya.
"Mga salita mo eh, ano? And FYI, Atticus and I weren't that close!" Pagkakaila niya.
Erlind gave her a pointed look. "Tsk. Huwag ako."
Hindi na lang siya sumagot at hinayaan na lang nito.
"Pero girl. Don't you think Xavier's presence will only complicate things? Kasi di ba? Naka announce na sa buong madla na fiancé mo si Atticus? Then there's your boyfriend suddenly coming into the picture. Baka mamaya niyan, ikaw ang mabansagang two-timing cheat."
Doon siya natigilan. Erlind has a point. Hindi naman maiiwasang hindi sila lumabas ni Xavier. Kaya papaano na lang kung may makakita sa kanila na taga media o ibang taong nakakakilala sa kanya? For sure pagpi-pyestahan siya ng madla! Ni ayaw niyang isipin kung ano ang mga masasamang salitang pwedeng ibato nila kay Xavier. Fuck! Bakit ba kasi in-announce ni Atticus ang kasinungalingan na iyon eh!
"So? Ano na ang gagawin mo?" Bawi ni Erlind sa atensyon niya.
She sighed. "I think it's about time I set the real score between Atticus and I. He was the one who came into the picture anyway. Not Xavier."
"Hindi naman alam iyan ng mga tao."
"The more reason why I have to set things straight."
"Are you sure gagawin mo iyan? Eh paano ang grandparents ni Atticus? Baka biglang ma-atake sa puso ang mga iyon sa sobrang gulat pag nalaman nilang fake news lang pala ang lahat. Asang asa pa ang dalawang matanda sa future ninyo ni Atticus, Sesha. Baka nga nag me-meeting na ang mga iyon ng ipapangalan sa mga anak niyo eh."
She bit her lips. Then she sighed.
"I'll talk to Atticus first. Actually, I was trying to reach him since this morning pa but my call can't go through."
BINABASA MO ANG
The Minxes Series Book One: Asking for the Moon
RomanceSesha Josephine Ilustre has everything a plain Jane would ever want in life- expensive clothes, jewelries, cars, attention, the love and support of a family... you name it. She revel at the fact that she could go to an elite school not because of he...