Chapter Five

434 30 4
                                    

"Alam niyo na ba kung sino ang partner ninyo sa presentation natin kay Ms. Dimaguiba?"

Iyon ang bungad ni Erlind pagkaupong pagkaupo pa lang nito sa usual spot nila dito sa cafeteria— a table at the back of the cafeteria. Dito kasi sa spot na ito madali nilang naoobserve ang ibang estudyante. Which is kinda their past time na kung nabo-bore sila at walang ginagawa.

"Mine's Jeric." Sagot ni Kristella.

"Ew! That womanizing jerk? Ingat ka bestie. Baka isahan ka ng manyak na 'yon." Nandidiring wika ni Erlind.

"Hell no. Isa pa wala akong balak na hingin ang tulong niya 'no. For sure, he wouldn't be of any help anyway. Ako na lang gagawa. Ilalagay ko na lang name niya sa presentation para wala siyang masabi."

"Wow. How kind of you." Taas ang isang kilay na wika ni Erlind sa mapang-asar na tono. "Buti pa kay Jeric mabait ka 'no?"

"As if I have a choice."

"Eh di siya na lang pag-present-in mo."

"And have him ruin my grades? No way. Ako na lang."

"Tsk. Tsk. Bahala ka. That's what you want eh. How about you, Sesha? Who's the lucky partner?"

"Xavier Guevarra." Sagot niya bago humigop ng kanyang Iced Latte. Napatingin siya sa dalawa ng biglang tumahimik ang mga ito. "What?" Nagtataka niyang untag.

"Do you know what rumor is revolving around that guy?" Pabulong na wika ni Erlind sa kanya. Sa tono ng boses nito'y aakalain mong nakagawa ng krimen ang taong tinutukoy nito.

"What rumor?"

"Oh my gosh, Sesha! Maging aware ka nga sa surroundings mo. Puro ka kasi Atticus kaya nahuhuli ka sa mga balita eh." Sermon ni Erlind.

She rolled her eyes. Madalas talaga exaggerated masyado 'tong babaeng ito eh. "Can you just tell me what you know? Gosh!"

"This is just a chismis ha? But some says they saw him enter a gay club."

Natigilan siya. Wala sa sariling napatingin siya kay Erlind.

"He's gay?" Gulat na tanong niya.

"And not just gay but a hooker too."

"It's just a rumor, Erlind. Huwag ka ngang gumawa ng kwento." Sermon ni Kristella.

Erlind sighed in annoyance. "Magkaka-chismis ba kung walang nakakita? Besides, it's not that shocking naman if he'll do that. I mean, he's at the bottom of the social hierarchy where money is a must. The only thing keeping him in this prestigious school is his scholarship. I bet marami pa din siyang expenses and with that face of his, being a hooker sure can pay the bills. Easy money, that is how it is."

"You do realize you sound so matapobre right now, don't you?"

"Och! Spare me the lecture, Kristella. Sinasabi ko lang naman ito kay Sesha para maging aware siya 'no."

Tinapunan siya ni Erlind ng isang seryosong tingin.

"Careful, Sesha. Don't let yourself get involved with that guy, okay?"

Natawa na lang siya. "Of course I won't. Bakit naman ako maiinvolve sa kanya gayong pareho naman pala kami ng hanap?"

"Speaking of..." Mahinang wika ni Erlind.

Biglang tumahimik ang buong paligid. Nagtaka siya ng marinig ang bulung-bulungan ng mga estudyante. Naagaw ng pansin niya ang direksyong tinititigan ng lahat— Xavier Guevarra in a black shirt and faded blue jeans na halatang pinaglumaan na ng panahon. His dirty black Vans adorning his feet. Tahimik itong naglalakad papunta sa counter habang sukbit sa isang balikat ang itim at lumang Jansport backpack.

The Minxes Series Book One: Asking for the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon