Chapter Two

416 32 3
                                    

Now playing: Enchanted by Taylor Swift🥰

----------------

Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa kanyang mga pisngi. Ilang beses na siyang tinanggihan ni Atticus simula ng ipahayag niya dito ang kanyang nararamdaman. Pero kahit ilang beses pa siyang tanggihan nito noon, hindi siya nakaramdam ng ganitong klaseng panliliit. Iyong parang kahit na anong gawin niya, hindi siya sapat.

Ganito ba ang pakiramdam ng ma-reject? Bakit napakasakit naman yata sa puso?

Isang katok ang narinig niya mula sa labas ng kanyang kwarto.

"Sesha?"

Boses iyon ng kanyang kuya. Dumapa siya at saka ibinaon ang mukha sa unan.

"Go away..." She said in a weak tone. Her pillow muffling her voice.

Narinig niya ang pagbukas sara ng kanyang pinto. Mayamaya pa'y naramdaman niya ang paglundo ng kama.

"Hindi ka pa nagdi-dinner." Masuyong wika ng kanyang kuya.

Pinanatili niyang nakasubsob sa unan ang kanyang mukha.

"Hindi ako nagugutom." Naiiyak niyang sagot.

"Do you want to eat ice cream instead? May dala ako..."

Marahas siyang bumangon at saka umupo sa tabi nito. Hilam pa rin ng mga luha ang kanyang mukha.

"Am I ugly?" She sniffed.

Natigil ang kuya niya sa pagbukas ng ice cream. Kunot noong tumingin ito sa kanya.

"Why the hell would you ask that?" Seryosong turan nito. "You're one of the most beautiful girl I have ever seen, Sesha Josephine. Sira ba ang lahat ng salamin natin dito sa bahay at hindi mo nakikita iyon?"

Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi na naman niya mapigilang umiyak.

"Eh bakit ayaw ni Atticus sa akin?" Parang batang tanong niya.

Her kuya Joaquin sighed, "Bakit, kapag ayaw sa iyo ni Atticus, pangit ka na agad? Siya ang may problema at hindi ikaw." Ibinigay nito sa kanya ang kutsara.

Tinanggap niya iyon at saka sumandok ng ice cream, "Eh anong problema niya? Bakit ayaw niya sa akin?"

Kuya Joaquin sighed. "Magkakaiba ang mga tao, Sesha. Minsan may mga klase talaga ng tao na hindi natin maintindihan ang takbo ng isip kahit gaano pa natin subukan."

"So ano ang ibig mong sabihin?"

Sumubo muna ito ng ice cream bago sumagot.

"What I mean is, no matter how much you want a person to accept your feelings, if he doesn't want it... wala tayong magagawa. Sa una makakaramdam ka ng pagtataka. You'll ask yourself why. Worst, you'll start doubting yourself." Masuyo siyang tinitigan ng kapatid. "When you already did everything, and still... wala pa din. That is when you should learn how to let go."

"But I don't want to..." Her voice croaked.

"Of course, you wouldn't want to. Rejection is a son of a bitch. But that is how you learn, Sesha. Bata ka pa. Focus on yourself. Malay mo, pagkatapos ng ilang taon, biglang magising si Atticus at marealize niyang you're one hell of a catch."

"Paano kapag hindi ganon ang nangyari? Paano kapag nag-asawa siya sa kalagitnaan ng pagfo-focus ko sa sarili ko?"

"You should never assume something that haven't even happened yet. Isa pa, kung para sa iyo talaga si Atticus, para siya sa iyo. Stop overthinking things."

"But I can't help overthinking things, kuya." She said with frustration in her voice.

"So anong gusto mo? Tanggapin ni Atticus ang nararamdaman mo ng dahil lang sa iyon ang gusto mong gawin niya?"

The Minxes Series Book One: Asking for the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon