"Joaquin, magbaon ka nito paguwi mo sa penthouse mo. Nasabi sa akin ni Sabel na wala daw kalaman laman ang ref mo. I don't understand son, may pera ka naman, bakit hindi ka man lang makapag-grocery?" Wika ng mommy nila habang nagsasalin ng niluto nitong adobo at afritada sa tupperware. "Do you want me to hire you a maid?"
Biglang natigil sa pag-nguya ang kuya niya. He gave our mother a mortified look. "God, mom. No. Hindi ko kailangan ng maid. What am I, a kid?"
Their mother slammed the tupperware shut with force.
"With the way you're handling yourself? Yes, ganoon nga ang tingin ko sa iyo ngayon. I know you're workaholic. Wala na akong magagawa doon. Pero huwag mo namang pabayaan ang sarili mo." Sermon ni mommy.
"I'm eating just fine, mom. Look at me, mukha ba akong nangangayayat?"
Mom pursed her lips. "Kapag nalaman kong puro take outs at fast food ang kinakain mo..." Babala nito na nagpatigil sa kuya niya. "At itong mga ito, kainin mo para hindi ka magkasakit." Sunod sunod nitong inilagay sa isang basket ang mga prutas.
"Hindi naman ako sakitin mommy kahit hindi ako kumain ng prutas. Hindi ako mahilig sa prutas eh." Sagot ng kanyang kuya habang ngumunguya ng peras.
Tsk. Hindi daw mahilig eh kung makalamon naman ng peras, wagas.
"Don't be stubborn, Joaquin. Makinig ka na lang sa akin."
"Okay, mom— wait!" Bigla itong tumayo upang bawasan ang laman ng fruit basket. "Huwag marami kasi uuwi din naman ako dito sa makalawa."
She scrunched up her nose. "Kuya, you have your place na kaya and yet, here you are, mas madalas pa ring matulog dito sa bahay kesa sa penthouse mo."
Tinaasan siya nito ng kilay. "Bakit, masama bang balikan ang kwarto ko? Eh sa na-mi-miss ko ang kama ko eh."
She rolled her eyes at him. "Sus. Ang sabihin mo, kami ang na-mi-miss mo. Ang tanda tanda mo na pero ang bilis mo pa ring ma-homesick. It's not even like you live miles and miles away from us. Hello, thirty-five minutes drive lang kaya ang penthouse mo mula dito."
"So? I always miss mom and her cooking. Gusto mo ba akong mangayayat at magkasakit kapag hindi nakakain ng maayos?" He pouted while hugging our mom.
"Eh iyon naman pala, mommy. No need na lagyan ng laman ang ref ni kuya kasi dito naman siya kumakain most of the time. Hindi talaga iyan magkakasakit so no need na baunan mo pa siya." Sarkastikong sabi niya.
Tinaasan siya ng kilay ng kuya niya. "Nasa mood ka yatang asarin ako ngayon? And for your information, bunso, Sunday ngayon kaya kailangang nandito talaga ako. Di ba mommy?" He pouted at our mom which earned him a laugh.
Napabuntong hininga na lang siya. Mommy's boy talaga kahit kelan.
Sunday is their family day. Kahit na may penthouse ang kuya Joaquin niya ay umuuwi pa rin ito kada linggo upang makasama sila. Well not that he stays in his penthouse more often than here in the mansion. Kesyo mas masarap daw ang pagkain dahil luto ni mommy, kesyo mas okay pa ding tulugan ang kwarto at kama nito, kesyo mas masaya kapag maraming kasama. Pero ang totoong rason naman talaga ay dahil nasobrahan ito sa pagka-mommy's boy.
Minsan ay napapabuntong hininga na lang siya. Madalas ay tuksuhin na nga niya itong mag-asawa na para masanay ng iba ang kasama. Pero syempre, lagi lang siyang sinusupalpal nito sa rason na... kahit fifty years old na ako, makakabuntis pa rin ako kaya hindi niyo kailangang magmadali.
Napatingin siya dito. Sa totoo lang dati, she doesn't mind his presence dito sa bahay kasi iyon ang rason kaya pumupunta dito si Atticus. Lagi namang ito ang sadya niya eh. At syempre, kapag pumupunta ito upang makipag-bonding sa kuya niya, masaya siya kasi nakikita niya ito.
BINABASA MO ANG
The Minxes Series Book One: Asking for the Moon
RomanceSesha Josephine Ilustre has everything a plain Jane would ever want in life- expensive clothes, jewelries, cars, attention, the love and support of a family... you name it. She revel at the fact that she could go to an elite school not because of he...