Prologue

42 3 0
                                    

Naka upo lang ako sa sulok ng kwarto ko, nag iisip nang paraan kung paano makakawala habang patuloy lang sa pag tulo ang mga luha sa mga mata ko.

How could they do this to me? How could they lock their daughter like this? Para naman akong hayop na kinulong nila dahil takot sila na makagawa nang perwisyo.

Perwisyo ba ang magmahal?

Marahan kong pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. I've been crying the past few days, I feel so controlled to the point where I can't even decide on my own.

I know I won't be able to escape here but I wish I could find a way. Natatakot ako sa pwede nilang gawin, Natatakot ako sa pwede kong ma abutan pag labas ko dito lalo na't kilala ko si Noah, if he knows that it will be hard for me, kahit sa anong paraan ay pipiliin niyang padaliin ito para sa akin and I'm afraid that it will involve losing him.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa pintuan para muling kalampagin ito.

"Mom! Let me go! Kung ayaw niyo sa mga desisyon ko edi hayaan niyo nalang ako! itakwil niyo na lang ako! I don't fucking care, pabayaan niyo na lang ako!" paulit ulit kong kinatok nang malakas ang pintuan. Alam kong naririnig nila ako pero pinipilit nilang magpaka bingi.

I am not just invisible in this household, matagal na rin akong walang boses. Para lang ngang hangin ang presensya ko dito kaya hindi ko lubos maisip na mangyayari ito. How comes they treat me as nothing pero pinapakialaman nila ang desisyon ko?

Agad akong tumakbo sa may bintana nang marinig ko ang pag bukas ng gate. At ngayon ay aalis lang sila na parang hindi nag mamaka awa ang anak nila na lumabas? How long will they ignore my cries?

But when I saw who it is, nanlambot ang tuhod ko.

Noah...

Galing siya dito, anong pinag usapan nila? Minaliit na naman ba siya at pinagsabihan nang masasakit na salita?

I am just about to find ways to open the window, wala na akong pake kung mabasag ko pa ito at masugatan ako, gusto ko lang siyang tawagin but when he look on my direction, parang na estatwa yata ako at hindi na naka galaw.

Ang layo layo niya, gusto ko siyang yakapin.

We are just looking at each other at ngayon para na naman akong bata na inagawan ng candy. I am crying again like a baby in need of comfort, in need of his comfort.

Nakita ko na nilabas niya ang cellphone niya kaya agad kong kinapkap ang akin. Nag hihintay ako sa mensahe niya habang nakatingin sa kanya na nag tatype. If he will really send a message to me, this will be his first time after I was locked in this room. Hindi siya nagrereply sa mga text ko sa mga nagdaang araw, I miss him.

Hindi nga ako nagkamali, he was typing his message to me.

Agad kong pinindot ang mensahe niya para basahin ito.

From: My Noah Ezekeilo

Mahirap Kalia, sobrang hirap kaya tapusin na lang natin. Imposible ang tayo, imposible ang relasyon na meron tayo kaya itigil na lang natin at mabuhay kagaya noong wala pa tayo sa buhay nang isa't isa. Makakalabas ka na diyan. Mabubuhay ka na muli nang normal na walang paghihigpit ng magulang. Isa lang ang gusto kong gawin mo, wag mo na akong papansinin kung magkita pa tayo, itrato mo nalang ako kagaya nang pagtrato mo sa isang estranghero. Pangako, kakayanin ko, hindi ako mag hahabol kahit na dumating ang araw na maisip ko na mali ang naging desisyon ko na pakawalan ka. Kataleya liliana Elchavez, kuntento na ako sa panahon na nakasama kita, pwede mo na akong kamuhian ngayon dahil kagaya lang ako ng iba, hindi kita kayang panindigan at ipaglaban kagaya nila.

Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko maging ang pagka durog ng puso ko. How could you let go of me that easily when I am still fighting?

This story is a work of fiction.

Characters, events, or some of the places are made by the author's mind. Similarities to something or to someone are purely coincidental.

All right reserved.

None of the parts of this book should be distributed or copied without the knowledge of the author.

Serendipitous ConvergenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon