Chapter 22

8 0 0
                                    

Before we order, tinanong ko muna siya ng mga paborito niya. It's a shame not knowing one when he already know mine.

I expected that he wouldn't order anything expensive so I made sure na hindi mapupunta sa kanya ang menu.

Nang malaman ko ang paborito niya ay ako na mismo ang nag order. Mostly gulay ang gusto niya pero paborito niya rin ang chicken maging ang shrimp.

Nang sinabi ko na okay na ang order, humabol siya. He ordered a stake, hindi daw kasi ako nag order non e paborito ko yon. 

kinilig ako doon kasi naman sino ba naman ako para alalahanin niya ang poborito ko diba? No one take note of what I like, no one remember my prefered food.

While we are waiting for the food, nagku-kwentuhan lang kami. Random topics like what I usually do when it's my birthday or how often do I eat together with my parents. Nakwento ko kasi na madalas akong kumain sa labas bago umuwi dahil wala naman lagi ang mama kaya mag isa lang ako panigurado.

When the foods arrived, nagulat siya nang makita ang mga inorder ko.

"Ang dami naman nito kataleya,"

Ngumiti ako. "This day is your birthday, 16 years ago, the same day as now, God decided that the world needs one like you so as one of the greatest creation of God, this day deserves a feast."

What I said was cheesy. If my younger self knew that such words will come out of my mouth, she might have tried to look for ways on how to stop her growth already. 

But his smile... That smile... Made me want to say something more.

I didn't noticed it at first but he is changing me. This love that I have for him, it is making me a different person.

"If you will choose between chicken and shrimp, anong pipiliin mo?" I asked.

"Shrimp, mas mahirap hanapin e. Walang shrimp sa Jollibee o di kaya naman sa ibang mga fast food chain pero lahat may manok, doon lang kami madalas kumain kapag may ipon,"

It's rare that I eat there, it's not that I don't want to, hindi lang siguro nasanay habang tumatanda dahil sa mga restaurant kami laging kumakain.

I look at the dish he has been eating, that's spicy garlic shrimp.

Napansin yata niya na nakatingin ako kaya kumuha siya gamit ang tinidor niya at inilapit ito sa bibig ko.

"Napansin ko na hindi mo pa ginalaw ito, masarap, tikman mo." he said.

I am hesitant pero ayaw ko naman siyang tanggihan kaya sinubo ko na ito. And there I realized, I've been missing out on what taste the best.

"Ang sarap, I wanna cry,"

"Impossible namang hindi mo pa natitikman," He said.

"It's my first time. Allergic kasi ako sa shrimp but hell I care, I wouldn't mind taking more of my med-"

Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay malakas na tunog mula sa phone ang narinig namin. I checked mine just in case na saakin yon pero hindi, when I look at Noah, natataranta siyang tumayo kaya napa tayo na rin ako.

Magsasalita pa lang sana ako upang mag tanong kung anong nangyare nang mag simulang mangati ang lalamunan ko. I kept on coughing, maging ang katawan ko ay mabilis ding nangati.

"Kataleya, tawagin mo ang driver mo, pasundo ka. Dumiretso ka sa hospital wag mong papabayaan ang sarili mo. Kailangan ko lang talagang umuwi, emergency lang,"

Hindi niya alam ang gagawin, he was hesitant whether to leave me or not but he ended up running away, hindi nga niya napansin na nabitawan niya pala ang cellphone niya.

Serendipitous ConvergenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon