Chapter 8

9 1 0
                                    

"Nakatira siya sa orphanage. I can take you there if you want," I shook my head, kaya kong pumunta don.

"I just need his exact location, kaya ko na." Levi nodded before he wrote Noah's complete location on a piece of paper.

Nagpatulong ako sa driver namin papunta sa tinitirhan ni Noah. Ayaw kong malaman ng magulang ko ang ginagawa ko kaya nagpa hintay na lang ako sa kanto malapit lang din sa lokasyon na pupuntahan ko.

Malinis ang daan, walang taong makikita kahit hapon na, malalayo rin ang distansya ng mga bahay pero sa may hindi kalayuan ay may tindahan kung saan maraming tao ang nakatambay.

At isa don ay si Noah.

Lumapit ako sa parte nila pero nagtago ako sa may puno para walang makakita. I don't know how to confront him, hindi ko kasi alam kung galit ba siya but one thing is for sure, he was disappointed.

Napakunot ang noo ko ng makita ang katabi niya, ito yung babaeng kasama niya noong lunch.

"Kinuha ni Andrew yung rubber shoes mo, ano ang susuotin mo sa darating na sabado?" rinig kong tanong ng babaeng katabi niya.

Marami silang nakatambay sa tindahan pero nasa isa't isa lang ang atensyon nila, para silang may sariling mundo.

"Susuotin ko na lang ang sapatos ko na pang pasok sa school, wala naman akong choice e, kaysa naman sa mag tsinelas ako,"

If I am not mistaken, student day sa sabado at civilian ang susuotin, hindi kaya siya pagtawanan pag ganon ang sinuot niya?

"Si Andrew naman kasi hindi nagpapaalam!"

Umiling si Noah. "Hayaan mo na, hindi naman din niya kasi alam na gagamitin ko."

Pagkatapos non ay may tumawag na Madre sa kanila. Silang dalawa lang ang tumayo bago mag paalam sa mga kasama nila.

After I went there umuwi din agad ako. I was thinking of a way para hindi siya mapahiya sa suor niya sa student day. Gusto ko siyang bigyan ng sapatos pero hindi ako sigurado kung tatanggapin niya.

Nang gumabi ay napagdesisyunan kong puntahan si Amalia.

"Gabi na Kalia, anong ginawa mo dito?" Amalia asked, sitting on her swivel chair.

"Do you know Noah?" She wasn't interested with me when I came but when she heard his name, parang nabuhayan siya.

"Why? Anong meron sa kanya? Kayo na?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. 

At bakit naman kasi niya naisip yon?!

"No! Hindi naman nanliligaw!"

Sumilay ang malaking ngiti sa mga Labi niya. "Kapag nanligaw ba sasagutin mo?"

I don't wanna think about her question kaya hindi ko na lang ito pinansin.

"Si Noah, mukhang galit sa akin," Sabi ko.

Tinignan niya ako na parang nag tataka. "Hindi ba't yun naman talaga ang plano mo noong una?"

Umiling ako. "Matagal na yon, okay na kami no!"

Pero hindi pa rin nabago ang ekspresyon ng mukha niya. "Hindi lang naman yon ang nakakapag taka, ang nakakapag taka ay buti may pake ka?"

Sinimangutan ko siya. "Basta Amalia! Gusto ko lang na makausap ko siya at mag explain, I didn't mean to offend him!"

Bigla na lang siyang pumalakpak sa sinabi ko.

"Finally, you've changed! I always hate the fact that you just let people misinterpret you but now you wanted to even explain yourself. Grabe naman pala ang kamandag ni Noah, nagiging tao ka!"

Serendipitous ConvergenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon