Chapter 15

8 1 0
                                    

"I saw Noah's phone nung sumabay ako sa inyo. Akala ko kayong dalawa yung nasa lockscreen niya, akala ko lang pala," pagkukwento ni Amalia habang naglalakad sa hallway.

I didn't shared my pain to her but she knows what's happening.

"May lock screen ang keypad?" tanong ko. I don't wanna dig deeper into the topic, masakit pa rin.

"Huh? Touchscreen ang phone niya,"

Tumango na lang ako. "I'm happy for him then, nag improve." I said as I let out a chuckle, a fake one.

When we are at the second floor, tumingin ako sa baba at doon nakita ko si Noah at si Lara sa landscape. They are sitting there, laughing.

Masaya sila sa relasyon nila at kung ganito naman sila, who am I to ruin it, right? Maayos pa naman ang utak ko, hindi ako maninira ng relasyon dahil lang gusto ko.

I know what's mine, yun lang ang pinagdadamot ko at si Noah, hindi siya sa akin.

Umiwas na ako ng tingin at pinili na lang na pumasok sa silid. I felt my stomach growl, sinanay kasi ni Noah na kumakain ng umaga kaya ganito. We didn't talk about whether the breakfast we eat together will stop pero kahit hindi niya sabihin, I will put an end to it now that he has a girlfriend. we can't be the same anymore, we can't be the way we used to be. 

May respeto ako sa relasyon dahil nakita ko kung paano nanira ng pamilya ang totoong ama ko,I hated him for not fighting to get me dahil ayaw ko naman kay mommy, I don't belong in their family. Anak lang ako sa labas e, pero mas lalo ko siyang kinamuhian nang malaman ko na maging ang pamilyang meron siya ngayon ay nakuha niya lang rin sa paninira ng pamilya. He never had a family on his own, he is always the other man and i don't wanna be like that.

Pumikit na lang ako habang naghihintay ng oras. Narinig ko ang pag kaluskos ng upuan sa gilid ko. Noah is here, pero pinili ko na lang mag kunwari na natutulog.

When I heard that the teacher is coming doon ko lang idinilat ang mga mata ko. napakunot ako ng noo nang makitang may tinapay at tubig sa lamesa ko.

I look at Noah pero mukhang hindi naman sa kanya galing to dahil kung kanya ay sasabihin niya.

"Who put this here?" I asked at doon pa lang siya tumingin sa akin.

"Ewan, baka admirer? Pagdating ko nandyan na yan." tinignan ko lang ito. I put the bread on my bag tapos nilagay ko naman ang tubig sa ibaba, gutom na ako but the teacher has arrived, I can no longer eat.

Recess nang lumabas ako sa classroom para puntahan si Amalia, nagtataka pa ako kung bakit nakasunod si Noah sa akin. I wanted to ask him pero buti na lang ay hindi ako nag tanong dahil nakakahiya kasi susunduin niya pala si Lara, akala ko lang ay nakasunod siya sa akin dahil magkatabi ang classroom ni Lara at ni Amalia.

habang inaantay ko si Amalia ay hindi ko mapigilang tumingin sa kanya.

"Si lara ba ang hanap mo?" Tanong ng isang estudyante na lumabas sa classroom. Tumango naman si Noah.

"Nandyan ba siya?" He asked.

"Diba nag usap na kayo kanina na magkikita na lang kayo sao food court, Nakalimutan mo na?" Napansin kong hindi mapakali ang mga kamay ni Noah.

"Ah, oo nga pala, sige mauna na ako." Sabi nito bago mabilis na naglakad paalis. Nagulat pa ako nang tumingin siya sa direksyon ko pero agad din naman itong nagiwas ng tingin.

"Kalia, tara," pagaaya naman ni Amalia paglabas niya. I looked behind her then inside their room but I didn't see luis.

"Wala na siya, tsaka isa pa hindi kami nag kikibuan kaya hayaan mo na yon." Amalia tried her best to smile but I can see how fake it is.

Serendipitous ConvergenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon