Chapter 2

13 2 0
                                    

Sa pangalawang araw ay hindi na ako sumabay kay Amalia, atat na atat na namang pumasok, kulang na lang ay siya na  ang mag bukas ng school.

Marami na ang estudyante kaya medyo maingay na rin. Alam ko namang lagi akong laman ng chismis pero mas lalo yatang umingay ang pangalan ko ngayon.

Pinili ko nalang wag pansinin ang mga nakatingin sa akin pero habang naglalakad ay nakita ko si Amalia na papunta sa direksyon ko. "Kalia, what the fuck did you do?"

Napakunot naman ako ng noo. "I did something?"

She rolled her eyes on me. "I thought you found that guy amazing? Bakit mo binu-bully? But you know what? I see you in him. The way i define your features, ganon na ganon rin siya except the jaw,"

Nag isip ako saglit kung sino ang tinutukoy niya hanggang sa napagtanto ko kung sino ito, Noah.

"Last na ang kahapon, nainis lang ako." Mag lalakad na sana ulit ako nang harangan na naman niya ang daan ko, "Look Amalia I still have my bag so that means, i will be considered late kapag hindi ako umabot sa oras. Mag usap tayo pagkatapos kong ilagay sa room namin ito, "

But she didn't let me. "You're freaking dead Kalia. Sinabi niya sa teacher na hindi siya ang may gawa non. May cctv sa rooms remember?"

Nanlaki ang mata ko. "So that means ako ang haharap ng ginawa ko?"

She nodded. "Obviously, Ikaw ang gumawa non kaya malamang ikaw ang haharap. Ano na naman ba kasing napagtripan mo?"

Napapikit ako. At nagsumbong pa talaga siya? I was right with treating him that way, he wants misfortune on me!

"I'll cut class then have my parents deal w-"

Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay nakita ko na ang POD na papalapit sa direksyon ko.

"Ms. Elchavez, go to my office." At sa likod niya ay ni Noah na walang kibo. Nakatingin lang siya sa akin. I don't even know if he's mad cause I accused him or happy that I will be the one to face the consequence I tried to make him experience.

And just like what he said, money isn't a problem to me kaya ngayon ay nasa banyo ako, hawak hawak ang mga pang linis na ngayon ko pa lang nahawakan sa tanang buhay ko.

"Damn it!" Sigaw ko, napatingin naman ang mga estudyante na dumadaan sa akin. Ang tingin nila ay mapang insulto kaya kumulo ang dugo ko.

"Anong tinitingin tingin nyo diyan? Kayo kaya ang ipang linis ko dito?" Binilisan nila ang paglalakad nila pero nakita ko na tumawa sila. Pinagtatawanan ang sitwasyon ko.

Instead of cleaning the bathroom, tinignan ko na lang ang sarili ko sa salamin. Sa linis kong to pag lilinisan ako ng banyo? No way. I'd rather be suspended.

Right, hindi ako mag lilinis, pipiliin ko nalang ang ma suspend.

Lalabas na sana ako nang biglang may pumasok sa banyo at nilock ito. When I saw who it is, naramdaman ko ang pag akyat ng dugo sa ulo ko. How dare he show his face to me?!

"Anong ginagawa mo dito?" Tinignan niya lang ako saglit pero umiwas din ng tingin.

"Ano? Inutusan ka bang bantayan ako? Sorry but you won't see me cleaning this bathroom.  Nakakadiri kaya! Hihintayin ko na lang na masuspend ako!"

He didn't say anything kaya tinignan ko lang siya, he went to pick up the cleaning materials that I dropped. "Nasaan ang mga sabon?"

Wala akong sinabi pero tumingin ako sa direksyon kung nasaan ang mga ito. Sinundan naman niya ang mga mata ko bago lumapit sa mga sabon na nakalagay sa gilid ng pintuan na sinara niya.

Serendipitous ConvergenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon