Chapter 10

9 1 0
                                    

May group activity kami ngayon and the groupings are based on rows. tig lilima ang bawat grupo pero dahil dalawa lang kami ni Noah sa likod, kami lang dalawa ang magka group. Wala namang problema sa teacher yon dahil si Noah pa lang, pang limang members na. I am probably seen as an extra o kaya naman ay pabigat lang sa kanya.

Ang alam ko pag uusapan namin ngayon ang activity na pinapagawa. I am ready to be serious especially it is Noah I am paired with, ayaw ko naman na bumaba ang grade niya dahil ako ang ka member niya but instead of discussing, nakakapag -taka na dumaldal lang siya.

"Nagulat ako nung nalaman ko ang presyo ng mga bag na jansport, 500 lang kasi itong sa akin, fake ito no?"

Tinignan ko ang bag na pinakita niya. He bring it with him here in the study room for unknown reason.

"Saan mo ba binili?"

"Sa palengke,"

I nod my head. "It is. May store ang Jansport and I don't think they have it on the public market,"

Tumango tango lang ito. I don't know why we are talking about this thing pero hinayaan ko na lang, maybe he just wants to know about brands at alam niyang ako ang magandang kausap tungkol dito.

"Naalala ko nung huli kayong nagtalo ng mga kaklase natin, paano mo nalaman na fake ang sa kanila? Nung tinignan ko yung sayo parang pareho lang naman, Chanel yon diba?"

"Dito sa pinas masyado ng maraming mga imitations ang mga branded products. May sapatos, bag and even make ups that looks exactly the same. Others may not notice it but those who has the original knows the difference," Nag isip ako kung paano niya mas maiintindihan ito. "I'll ask our driver to buy me a fake one with the same style as mine, ipapakita ko sayo para makita mo ang pagkakaiba. It's not hard to identify the difference since they differ in materials kaya halata sa texture pa lang,"

We just kept on talking about the same topic not until Amalia came into the picture.

"Hi!" Amalia said when we noticed her presence. Nakita kong nakangiti siya kay Noah kaya ngumiti rin si Noah sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked, tinuro naman niya si Luis na nakatingin lang din sa direksyon namin.

"May activity kami but ever since you came here I can't help but to be distracted, mukhang ang daldal kasi ng bestfriend ko and rare case yon," sabi niya kay Noah na malaki ang ngiti.

"He was asking about brands, alam mong marami akong alam pag dating sa ganito,"

Tumingin siya kay Noah. "You chose the right topic, Noah. It's her interest, material girl e,"

Susuwaying ko sana si Amalia pero hindi ko na nagawa nang tumawa ng bahagya si Noah.

"Sige na babalik na ako doon baka itakwil na ako ni Luis bilang ka partner." Sabi ni Amalia bago tumakbo pabalik kay Luis.

"You were asking about it, sinasagot ko lang. Bat ka tumawa nung sinabi ni Amalia na material girl ako?" Nakasimangot na tanong ko sa kanya.

Hindi nawala ang ngiti sa mukha niya habang nakatingin lang sa akin. "Bakit? hindi mo ba kino-consider na material girl ang sarili mo?"

I rolled my eyes. "I do love buying material things so I think I am but isn't that an insult?"

Umiling siya. "Kaya mo namang bilhin kaya okay lang, ang masama ay yung pinipilit mo ang hindi mo naman kaya. Natawa lang ako kasi ang kulit ng kaibigan mo at nagustuhan ko rin ang pagkakaibigan niyo. Naisip ko kasi na kung kaya niyang biruin ng ganon ang isang katulad mo, malamang totoong magkaibigan kayo,"

Serendipitous ConvergenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon