Chapter 1

22 3 0
                                    

First day of school, nasa labas lang ako ng bahay habang hinihintay ang kaibigan ko na susunduin ako ngayon.

"Ma'am mapapagalitan po ako sa parents niyo kapag nalaman nila na maaga kayong umalis at hindi ko kayo hinatid," napapikit ako. I already told him na sasabay ako sa kaibigan ko, ano ba ang mahirap intindihin don?

"I'm sure they will be grateful knowing that I woke up early for school. Doon sa hindi mo paghatid sa akin, tell them that my friend fetched me. Amalia Therese Alacanterosa, siya ang susundo sa akin."

Hindi na siya nagsalita nang marinig ang pangalan na yon. They all trust Amalia, kapag siya ang kasama laging okay lang. Kung pwede lang ampunin si Amalia paniguradong inampon na nila yon tapos itinapon na ako.

Nang makita ko ang sasakyan nila na paparating ay agad ko nang kinuha ang bag ko sa driver namin.

Amalia opened the window from the backseat to greet my driver. Napairap naman ako, typical Amalia.

"Good morning po, Kuya pasabi na lang po kay tita na nagmamadali kami kaya hindi na ako makakababa ha, I nee-"

I blocked her view from seeing my driver. "Nagmamadali ka diba? Tara na." Sabi ko bago buksan ang pintuan para pumasok na.

Bago umandar ang sasakyan ay napansin ko ang pamumula ng driver namin. "My gosh Amalia, why are you seducing everyone?"

"Seducing? Gago ka ba?!" Bulalas niya sa akin, natawa naman ako don.

"Yan, yang ganyang bibig, yan yung hindi naririnig ng iba kaya gustong gusto ka," Pagbibiro ko. Kahit mag mura pa siya nang magmura ay magugustuhan pa rin siya ng lahat, hindi ko nga alam kung paano kami naging magkaibigan e. Kung siya ay kilala dahil hindi lang maganda ang itsura kundi maganda din ang ugali, ako naman ay kabaliktaran non.

While we are on our way to our school, may nakita akong lalaki na suot ang uniform ng school namin. He shouldn't get my attention but he is cleaning on a karenderia which surprised me.

Kinalabit ko si Amalia. "Tignan mo nag lilinis siya,"

Agad namang tumingin si Amalia sa tinuro ko. we are just looking at his direction until we can no longer see him dahil sa bilis nang takbo ng sasakyan.

"Ano naman ngayon Kalia? Are you going to degrade him?"

Napakunot ako ng noo, why would I degrade him? Ang galing nga na sa murang edad ay nagtatrabaho na siya. He is studying on our school kaya panigurado na may kaya yon kaya grabe na lang ang gulat ko na sa lahat nang pwede niyang pagkunan ng experience sa murang edad, sa karinderia pa ang napili niya. Ni hindi pa nga ako nakakakain sa ganon e.

"That was amazing actually..." I said as I imagined that guy, what I saw is still so vivid to me.

"What's so amazing with someone having a hard time living? Imbis na pumunta na siya ng eskwelahan, kailangan pa niyang mag trabo. who knows? baka pang baon lang yon o pamasahe, it's sad that not everyone has the same privilege like us."

Napatingin ako sa kanya. "You think he's poor?"

"I never like using poor to define them, let's just say I think he is unfortunate."

Ngumuso ako, that didn't cross my mind when i saw him. I just think he's great.

"But hearing that you found him amazing warms my heart, my best friend isn't as bad as how people think she is. you never talk nor give your attention to the unfortunate so I thought you dislike them pero mali pala ako so I'm sorry for judging you, Kalia."

Serendipitous ConvergenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon