Chapter 25

4 0 0
                                    

Nagawa kong palitan ang usapan nang buksan niya ang topic na yon. It wasn't hard changing the topic kasi si Noah kapag may iba na akong kinwento, kahit hindi nasagot ang tanong niya ay hahayaan niya na lang basta masabayan ako.

Antagal kong iniisip yon, knowing Noah, alam kong mabubuksan ulit ang topic na yon pero buti na lang ay hindi agad-agad dahil hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin sa kanya.

It's been 2 months since that day and we haven't talk about it yet.

Nandito kami ngayon sa classroom ng section ko. Nag dismiss na ang teacher kanina pa pero napag desisyunan naming mag stay dito dahil mas gugustuhin ko nang gawin ang assignment ko ngayon na kasama siya para mamaya ay mag uusap na lang kami sa cellphone.

Habang nag susulat ako ay muli ko siyang tinignan nang mapansing nakatitig siya sa akin.

Kinindatan ko siya, dahilan upang ngumiti siya pero umiwas din agad siya ng tiningin at may ginawa sa papel na kanina pa niya sinusulatan.

"Noah," I called his name.

Tinaas niya lang ang kilay niya na para bang sobrang busy sa ginagawa.

"Alam mong selosa akong tao," at dahil sa sinabi ko ay agad niyang nilipat ang atensyon niya sa akin.

"Nag palit kami ng seating arrangement, kahit babae dapat ang katabi ko, pinilit ko na lalake. Wala pa din akong nakakausap na babae ngayon araw kung meron man noong nakaraan, tungkol sa mga group project naman. Hindi na rin kami sabay umuwi ni Lara at minsan na lang rin kami magkasalubong sa ampunan dahil pareho kaming busy. Kataleya, wala akong babae, wala kang pag seselosan." mahabang lintana niya na dahilan ng pag tawa ko nang malakas.

Kumunot ang noo niya pero nakita ko naman ang maliit na ngiti sa mga labi niya.

"Ang ganda mo talaga kapag tumatawa pero anong nakakatawa?" he asked while looking at me so fondly but with a hint of confusion.

"There's something else I am jealous of, you know that right?" I asked.

Napansin kong nag isip siya saglit at nang mapag tanto ang ibig kong sabihin ay kusang tumapon ang mga mata niya sa papel na pinag susulatan niya.

"Hindi mo ba nakikita? Sinusubukan kitang i-guhit," he said before he show me his sketch. "Nakita ko kasi na ginuguhit ni Amalia si Luis. Ang sweet lang kaya sinubukan ko, ang problema ay hindi ako kasing galing niya."

Instead of looking at his sketch, I look at him instead.

I remember when he said he will make himself deserving of me pero parang ako pa yata ang dapat kumilos para mas maging deserve sa kanya.

There are billions or more of people living in the planet and although I have parents who brought me in the world, this guy right here, pour life in me.

I never thought that love could work this way but when he loves me, I found the purpose of living.

That sketch of him, although imperfect with a lot of flaws that don't even look like me, I still had it laminated because everytime I look at it, it reminds me of how lucky I am that he loves me.

Iginuhit niya ako sa papel kahit na ang alam lang naman niyang gawin sa papel ay mag sulat ng notes o reviewer. Baka ang OA ko kung maka react, maybe others would do that too but what can I do? Kapag si Noah ang gumagawa, labis labis ang saya ko.

I don't know but his love... Softens me, it makes me a different person.

I am sentimental, but only with the things I know I needed to keep because they might be the last thing i'll ever receive from someone, like the mirror given to me by my sister who died.

Serendipitous ConvergenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon