Chapter 14

7 1 0
                                    

"Here! Take a picture of me!" Padabog kong ibinigay ang cellphone ko sa kanya nang matapos ang P.E subject.

Nakakunot na noo naman niya akong tinignan. "Problema natin?"

I rolled my eyes. "Just take a photo of me!" 

and I'll show you who you should remember when taking a photo.

"Pawis ka naman e," komento niya.

"I don't care! I will still be the most fresh, most gorgeous and photogenic out of all the people you've taken a picture of. Kaya bilis na!"

Imbis na kuhanan ako ay lumapit siya sa direksyon ko.

"Pwede ba?" pagpapaalam niya nang iharap niya ang panyo niya sa akin. I unconsciously nod my head at doon ay pinunasan niya ang pawis sa noo ko.

"Wala naman akong sinabing hindi ka na fresh o hindi ka na maganda. Mas maayos lang ang litrato kung tatanggalin natin to pero maganda ka pa rin, sobra."

Pagkatapos non ay binulsa na niyang muli and panyo niya, he look at me for awhile bago pumwesto sa lugar niya kanina.

Natulala ako doon but when he started counting, agad na akong umayos.

"Ngiti ka naman, wala kang nakangiting picture sa Instagram mo e,"

Sunod sunuran yata ang puso ko kay Noah because I plastered my biggest and most genuine smile when he asked me to do so.

"Ang ganda!" Nagulat ako nang isigaw niya yon. Napansin ko rin ang tinginan ng mga dumadaan na estudyante.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya. "Tama na nga yan, masyado mong pinapalaki  ang ulo ko e. Sinisigaw mo pa, baka lalong mainggit ang mga may ayaw sa akin," natawa naman siya sa sinabi ko.

That smile, I want to capture that.

"Ikaw naman," sabi ko sa kanya.

Umiling naman ito."Hindi ako marunong magpa-kuha,"

"Ngi-ngiti ka lang naman e!" reklamo ko naman.

Instead of allowing me, lumapit pa siya ng bahagya sa akin pero sapat lang ang distansya namin upang hindi magka dikit ng tuluyan. "Tayong dalawa na lang para kahit pangit ang ngiti ko, maganda pa rin ang litrato kasi kasama ka."

And there we took our first photo together.

And guess what? Someone made a debut on my ig feed. I posted our picture together. Nagulat pa nga ako dahil siya ang pinaka unang nag like. For a person who accesses his account on a computer shop? That shocked me.

Noah Ezekeilo Fabaroa:
Tatanggalan mo naman ng trabaho ang mga artista at mga modelo sa ganda mo e.

Napasigaw ako doon. This is my very first time feeling this way and Noah decided that it should be intense.

Nagulat pa ako nang tumunog ang messenger ko at doon nakita ko ang chat niya.

Noah Ezekeilo:
Pwedeng pa send ng litrato natin na magkasama?

Mabilis kong hinanap ang litrato na hinihiling niya. Nanginginig pa ang kamay ko habang ginagawa ko yon.

Pagkatapos kong sinend ang picture ay binitawan ko muna ang cellphone ko para huminga. Para akong malalagutan ng hininga sa nararamdaman ko. Para ring sinusunog ang puso ko.

Maya maya lang ay muli kong kinuha ang phone ko.

Noah Ezekeilo:
Pwedeng pati ang litrato mo? Yung nakangiti sana.

Serendipitous ConvergenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon