Chapter 24

6 0 0
                                    

"Have you seen Noah?" I asked Levi and Amalia who are now seated on one of the shed, eating their lunch.

"Akala ko nag absent ka. Wala ka kaninang recess e," sabi ni Amalia bago sumubo sa salad niya.

"Nasa library ang Noah mo. Hindi makakain sa sakit na dinulot mo." sabi ni Levi na parang damang dama pa ang mga salitang lumabas sa bibig niya.

"Cringe but thank you." I said before I went on my way to the library.

Pag pasok ko ay agad na hinanap ng mga mata ko si Noah. Hindi naman ako nahirapan dahil nasa bungaran lang siya.

Lumapit ako sa kanya. Tinitigan ko siya sandali, he seems out of his mind. Yeah, he is reading a book... Upside down.

"I believe it's because of me that you are like that so do you mind if I will clean the mess I made on your head?" I asked with a smirk on my face.

Unti unti siyang tumingin sa akin. I am confident this time dahil alam ko na ang nararamdaman niya. I spend my whole morning thinking about everything he have done and everything I've heard from Lara.

"W-what?" nauutal na tanong niya, tila hindi makapaniwala na nandito ako ngayon sa harapan niya.

"Come with me." sabi ko bago naglakad palabas ng library.

Umakyat ako sa rooftop kasama siya na nakasunod lang sa akin.

"Balita ko you have your eyes on me when you had a girlfriend. That's cheating Noah, but tell me about it,"

Sumandal ako sa railings habang siya ay nasa harapan ko lang, nakatingin sa akin.

"Pinapanuod kita sa malayo, tinitignan ang bawat galaw mo, hinihiling na sana nasa tabi mo pa rin ako, sana malapit pa rin tayo. Tapos nung nagsimula ang klase, araw araw akong dumadaan sa classroom mo para lang makita ka dahil simula nung araw na yon, suntok sa buwan na ang maaninag ka man lang."

I nodded, acting all cool when in fact, blood started going up on my face. With the questions I prepared I know that he will overwhelm my heart. I thought I am prepared pero hindi pa pala dahil ngayon ay gusto kong mag lulundag sa tuwa.

To think that it's the first question he answered, paano pa kaya ang iba? Baka mahimatay na lang ako sa kilig.

But keep the class, Kalia, stay cool.

"What if... What if she's the one destined to you. What if time comes when you have to marry her, ji-nowa mo e so will you still do the same? Will you still try to keep me and let that feeling stay?"

Malamang ay nagugulat siya sa mga tinatanong ko, kitang kita yon sa mga mata niya. Akala ko mag tatanong muna siya kung saan ko galing ang mga tanong ko pero hindi, sumasagot agad siya.

"Ginawa ko ang mga ginawa ko hindi para makuha ang puso mo Kataleya. Hindi ko gugustuhin na mahulog ka kung pag mamay ari naman ako ng iba. Ginawa ko ang mga yon para hindi ka mawala, para manatili ka paring parte ng buhay ko. Kung kami ang magkakatuluyan, gagawin ko pa rin ang mga ginawa kong pangungilit sayo dahil alam kong maging sa mga panahon na yon, hindi ko pa rin gugustuhin na mawala ka, kahit kaibigan man lang. Makasarili kung iisipin pero ewan ko, ayaw ko lang talagang mawala ka." he is directly looking at my eyes, with no hint of lie. He has his heart on his skin now. "Tungkol naman sa nararamdaman ko... Kaya kong subukan na mahalin siya kataleya, sinubukan ko. Pero hindi ko matururuan ang puso ko na wag ng maramdaman ang nararamdaman ko para sayo. Alam kong gusto mo na maging tapat ako sa relasyon at ngayon alam kong ayaw mo nang naririnig mo sa mga bibig ko pero kasi maging committed lang ang kaya ko talagang ibigay dahil noon pa ay alam ko na kung sino ang mahal ng puso ko,"

Serendipitous ConvergenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon