"Okay, opened your Math notebook and explain to me, how to get this equation," yan agad ang bungad ng Math teacher nina Gwen pagkapasok ng classroom nila.
"Hoy Gwen may notes ka ba?" Tanong sa kanya ng kaibigan n'yang si Mae Ann.
"Ha? Ah, oo meron," pagsisinungaling n'ya kahit ang totoo naman ay wala.
"Patingin nga ng notes mo," singit din ng isa pa nyang kaibigan na si Jeffrey.
Agad n'ya namang kinuha ang notes n'ya at nahihiyang nagbuklat ng notebook n'ya. Inismidan naman s'ya ng kaibigang si Mae ng makitang wala namang kalaman lamang sulat ang notebook n'ya at binigay sa kanya ang notes nito at s'ya ang pinakopya. Napabuntong hininga s'ya ng malalim ng biglang tumunog ang bell hudyat na break time na nila. Napatayo naman sila agad matapos iligpit ang kanilang mga gamit bago sinukbit ang bag sa likod nila. College na sila kaya ganito lagi ang set up nila araw araw pagkatapos ng klase magbreak time at ilang oras pa ang kasunod na klase bago magsisimula.
"Oy, tol!" Batian nina Jeff at ng kapatid ni Gwen na si Glenn, nag fist bump pa ang dalawa kaya napailing nalang ang dalawang babae. May kasama din silang lalaki, barkada ni Glenn at nakipagfist bump din sa kanila si Jeff at tanging tango lamang ang ginawa sa kanila ng mga girls bilang pagbati.
"Naglapagan naman ng pera ang bawat isa sa kanila maliban kay Gwen na nahihiya na sa mga kaibigan n'ya dahil wala s'yang naiambag. Nagulat pa nga s'ya ng makitang lumapag din ang kanyang kapatid ng pera, nagtatanong na mukha agad ang bungad n'ya dito.
"Don't worry, ate naghingi ako kay papa ng pera kanina," saad nito na wari ba'y nababasa ang nasa isipan ni Gwen.
'Paano naman s'ya nabigyan ni papa ng pera? Alam na nga nyang kapos na kami sa budget sa bahay nanghingi pa ng pera, haysst' tanong ni Gwen sa isipan at napapakamot nalang ng ulo n'ya at kumuha nalang din ng pagkain na binili ng mga kaibigan nila mula sa nilapag na pera kanina.
"Ingat, Mae," paalala ni Gwen ng pauwi na sila sa kanya kanyang bahay matapos ang klase nila. Narinig n'ya naman ang papa n'ya na tinatawag s'ya mula sa loob ng sinasakyan nitong jeep.
"Anak, ikaw muna magdala ng perang iyan, ingatan mo at pinaghirapan ko yan malakas ang kita ko ngayon sa pamamasada pati nagloan din ako ng pera sa banko.
"Pa? Bat andami naman ata nito? Alam mo namang takot ako humawak ng pera eh lalo pa ganito ka dami baka nakawan lang ako nito," mahabang litanya ni Gwen habang tinignan ang pera na halos hindi na magkasya sa kamay. Nakita na lang n'ya ang papa niyang namasada na ulit kaya wala s'yang nagawa at naglakad sa gilid ng daan habang pinapasok ang pera sa bag na dala. Nahulog sa lupa ang ibang pera na dala n'ya kaya mabilis niyang pinagpupulot ito sa lupa nakita naman n'ya ang mga mata ng tao na parang may nakitang kong ano sa kanya kaya mabilis s'yang umalis sa lugar na yon at naglakad. Habang naglalakad ay wala na s'yang ibang tanong pa sa isip kung bakit at paano to nakuha ng papa n'ya ng ganon ganon lang dahil maparaan ang papa n'ya at alam nyang hindi ito galing sa masama at hindi ganon ang papa n'ya.
Pagpasok ni Gwen sa bahay agad s'yang nag asikaso Lalo na sa pagluluto dahil tiyak na gutom ang ama mula sa buong araw na pamamasada. Nang umuwi ang ama n'ya ay nagsasalo salo na sila at masayang kumakain.
"Pa, sa baba tayo madami kasing lamok eh. Magpapausok muna tayo," aya ni Gwen at tumayo naman sila't naglakad palabas ng bahay papunta sa maliit nilang kubo na may napakapreskong hangin.
"Kumusta ang pag-aaral, anak?" tanong nito na kaagad n'yang sinagot ng isang ngiti at pag-thumbs up na kamay.
"Ayos lang naman, papa" sagot n'ya kahit ang totoo'y nahihirapan talaga s'ya hindi kasi s'ya nakikinig sa klase nila at kung makikinig naman s'ya ay lumilipad naman ang isip n'ya sa kung saan, himala na nga lang at nakaabot s'ya ng college kahit na ganoon ang pag-iisip n'ya, 'dahil siguro sa matyaga ako kahit mahirap ang leksyon,' sagot n'yasa sariling katanungan.
"Mag-iingat kayo anak ah walang gustong hilingin ang papa kundi ang makatapos kayo sa pag-aral n'yo," saad ng kanyang ama habang pinatong ang kamay sa ulo n'ya.
"Si papa naman nagdadrama, oo naman mag iingat kami para naman sa iyo itong pag-aaral namin eh"
"Patawad, anak dahil di kayo mabigyan ni papa ng magandang buhay," malungkot na ani nito.
"Pa, ano ka ba, okay lang po yon, ah oo nga pala," pag-iiba n'ya sa usapan nila," sa'n galing Yong pera kanina, papa ang laki namang halaga n'un." Dahil sa sinabi n'ya ay natahimik ito binigyan s'yang ngiting pilit, kinabahan s'ya ng namamawis ito gayong mahangin naman sa may balkonahe nila. 'Mali sana ang iniisip ko' sambit n'ya.
"Patawad an—" hindi natapos na Sabi ng kanyang ama ng makarinig ng serina ng pulis pinapalibutan ang bahay nila.
"Pa? Anong ginagawa nila dito?" Takang tanong n'ya at nakitang palabas ang kanyang kapatid na si Glen upang kausapin ang pulis sa harap ng bahay nila. Naguguluhan naman s'yang napatingin sa kanyang ama na malungkot lang na ngumiti sa kanya kasabay ng pagsambit n'ya ng 'Patawarin ninyo ako mga anak.'
Naiwan naman s'yang tulala sa may pintuan ng bahay nila habang nakatingin sa daan na pinag-uumpukan kanina ng mga pulis na ngayon ay umalis na at tangan ang kanilang papa na pinupusasan ang dalawang kamay at pilit pinapasakay sa kotse ng mga pulis.
"A-ate s-si Papa," mahinang bulong ng kanyang kapatid na noo'y tulalang nakatitig sa sahig naghahanap ng sagot sa mga katanungang nasa isip. Nawala naman ang mga kapitbahay na noo'y nakiusyuso sa kanila kung bakit napapaligiran ng mga pulis ang bahay nila.
Ilang buwan na ang lumipas ngunit tampulan parin sila ng tukso ng mga taong nasa paligid nila at nilalayuan pa sila nito na may mga panghuhusgang mga mata. Kahit ang mga kaibigan nila ay biglaang nawala at hindi na sila muling pinansin pa. Nang malaman nila kung bakit dinakip ng mga pulis ang kanila ama ay tila huminto sa pag-inog ang kanilang mundo lalo na ng maakusahan itong nagnakaw ng malaking salapi sa kompanya na pinagtatrabahuan nito at walang nagawa kundi ang makulong sa bilangguan na mas kinalugmok nila lalo. Ang perang binigay naman ng kanyang ama sa kanila ay kinuha din ng kompanya at iniwanan lamang sila ng mga pasa at bugbog sarado na katawan.
Ilang taon din ang lumipas at sariwa parin sa alaala ni Gwendolyn Suariz ang nangyari sa kanyang ama habang nakatayo sa harap ng puntod nito. Namatay ito pagkaabot ng apat na taon na nasa loob ng kulungan matapos atakihin ng sakit sa puso at tinamaan pa ng isang matinding karamdaman. Noon ding taon na iyon ay nag-aaral s'ya ng law dahil na din sa kagustuhang mapalabas ang kanyang ama sa piitan na inakusahan lamang na nagnakaw ng malaking halaga ng pera. Ang kapatid N'yang si Glen Suariz ay isa ng ganap na doctor ngayon nang magsheft sila ng kurso sa kagustuhang makatulong sa kanilang ama na may sakit at umaasang mapalabas sa kulungan.
"Your honor, Mr. Gwendyl Suariz is being accused that..." saad ni Gwen at isinalaysay ang buong pangyayari sa Ama sa harap ng court of justice, s'ya ang tumatayong attorney upang mapawalang sala ang kanyang ama na inakusahang nagnakaw sa kanyang amo.
Natapos n'ya ang kanyang gampanin, napatunayan n'yang malinis ang kanyang ama ngunit hindi na muling maibabalik pa ang buhay nito. Gayon pa man ay may humaplos sa puso n'ya at maramdaman ang malamig na hangin na humaplos sa kanyang braso at maramdaman ang init na wari ba ay niyayakap siya ng kung sino kaya marahan s'yang ngumiti at pinalis ang luha sa mga mata. Nginitian naman s'ya ng kanyang kapatid na nasa tabi n'ya rin at hinahaplos ang pangalan ng Ama na nasa puntod nito bago tuluyang tumayo at nagbitiw ng salita.
"Thank you Papa, you did will for our family. We love you always."
YOU ARE READING
RANDOM STORIES
RandomSTORY TITTLE HER PASSION TAKE HER AWAY FROM ME TOUGH NIGHT MISSION ACCOMPLISHED I WAS RAPE BY MY STEP DAD DON'T LOOK BACK CRUSH EXIT SPG#1 GxG SPG#2 BISAYA UNEXPECTED GUEST