[°•CRUSH•°]

1.9K 2 0
                                    

"CRUSH"

"Hoy Jayvin ang ganda ng mga bituin ngayon tignan mo," masayang sabi ko habang tinuturo pa ang mga bituin, Jayvin is my long time crush mula ng lumipat sila dito sa probinsya namin at kasalukuyang naglalakad kami ngayon pauwi dahil galing kaming simbahan may ginawang activity lang kaya kailangang tumulong.

"Oo maganda nga!" bigkas niya kaya ngumiti akong napalingon sa kanya na nooy nakatingin pala sa'kin habang sinasabi yon kaya napapahiyang yumuko ako dahil alam kung namumula na naman ako ngayon.

"Gago ka talaga Jayvin, hahaha!" natatawa kong sabi at hinawakan ang palapulsuhan n'ya na hinila s'ya.

"Totoo naman kasi Aira," sabi n'ya at pinadausdos ang kamay ko para magkaholding hands kami. Gusto kung tumili sa kilig ngayon pero pinipigilan ko dahil alam kung hanggang kaibigan lang kami at naging crush ko pa sya, napasimangot tuloy ako.

"Oh, bakit ka nakasimangot, halika nga dito umaandar na naman yang paiba ibang mood mo," natatawang sabi n'ya at hinila ako palapit pa sa kanya kaya nasuntok ko s'ya sa tagiliran.

"Ang corny mo Jayvin hindi mo na kailangang kumain ng mais dahil ikaw pa lang mais na mais na."

"Tch, ikaw din kahit kailan Amazona pa din!"

Napahinto kami sa pag-uusap ng nasa harap na pala kami ng bahay namin na hindi manlang namamalayan. Ang bilis ng oras at gusto ko sanang i-rewind ulit para humaba pa sana ang oras namin na magkasama.

"Ah dito na lang ako Jayvin salamat sa paghatid."

"Salamat sa oras, Aira mauna na ako!" Sigaw n'ya at naglakad na palayo na kinawayan ko lang.

"HOY! AIRA! PUNTA KA DITO!" sigaw ng pinsan ko na nasa harap lang naman ng bahay namin na wagas makareact.

"Oh bakit? Masisira eardrums ko sa'yo tangek!"

"Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka ata, hindi ka parin ba maka move on kay Jayvin may girlfriend na yon gaga ka!" napasimangot naman ako sa sinabi n'ya at mag walk out na sana ng tawagin n'ya na naman ako ulit.

"Aira, Sama ka? Birthday ni Joy bukas invited tayo!"

"Ok" nayayamot kong sabi at mabilis na umalis.

"Wag mong kalimutan kasama si Jayvin, ayieee!" pahabol pa nyang asar sa akin kaya di ko na pinansin.

NAGISING ako ng may kumakatok sa pintuan ng bahay namin at panay tawag ng pangalan ko. Napabusangot naman akong napatingin sa orasan at nanlaki ang mga mata.

"Alas kwatro pa lang ng umaga nangbubulabog agad, kainis!" nagmaktol akong bumangon at binuksan ang sinumang tumatawag sa pangalan ko.

"Oh Arvie bakit?"

"Anong bakit? Magbihis ka na kanina pa ako kumakatok dito maaga ang punta natin sa bahay nila joy kaya kailangan nating makisakay kina kuya Benji at Ate Princess."

Mabilis naman akong naligo at nagbihis bago makiangkas sa motor nila kuya Benji kasama ko dito Yong pinsan kung maingay, si Arvie.

Natapos ang birthday ng may kainan at inuman dahil sosyal sila Joy, hindi beer pinainom kundi Wine at mga softdrinks dahil mga underage pa naman Yong iba sa amin kaya Tamang simsim lang ng kaunting wine.

"Aira, dun kana makisakay kay sa motor ni Johnny umalis na kasi kanina sila kuya Benji at Ate Cess."

Tumango na lamang ako sa sinabi ni Ate Jona ang ate ni Jayvin. Gusto ko sana Kay Jayvin makiride eh pero wala akong magagawa.

"Vin, bat mo kami iniwan?" tanong ko kay Jayvin ng makababa kami sa may simbahan dun kasi kami nagkikita kanina bago pumunta sa bahay nina Joy, "Alam mo namang nakainom ka diba tapos ang lakas pa ng pagtakbo mo sa motor."

"Nagseselos ako, Aira!" sabi n'ya kaya natameme na talaga ako at namula na naman.

"May girlfriend ka Vin kaya bakit ka magseselos?" napanguso ako at yumuko nalang.

" Look Aira, matagal na kitang gusto Yong girlfriend ko is just my ... cousin" mahinang sabi n'ya kaya napalingon ako sa kanya naghihintay ng karugtong, " para pagselosin ka."

'Totoo ba to? Mahal n'ya ako? Weee? Edi crinushback din ako ng crush ko slash bestfriend, HAHAHAHA!' di makapaniwalang sabi ko sa isip.

"Aira, I-i love you!"

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya at akmang susuntukin na sya ng pigilan n'ya ako at hilahin palapit sakanya at niyakap.

"Mahal mo ba ako, Aira?"

"O-o naman kahit gago ka, mahal kita."

Niyakap na naman n'ya ako ng mahigpit at nakalimutan na naming may girlfriend nga pala sya, ahh oo nga pala pinsan nya yon. Atleast nA crushback ako ng crush ko, eh ikaw hindi, iyak!

-End-

RANDOM STORIESWhere stories live. Discover now