|°•I DIED?•°|

585 1 0
                                    

"YOU JUST KILLED HIM AND THAT'S YOUR FAULT!" rinig sa kabilang bahay ang boses ng mag-asawang nag-aaway, gabi gabi na lang at naiirita na ang mga kapitbahay sa pambubulabog nila sa kanilang mahimbing na pagtulog— eksakto alas dose ng gabi.

"Hindi s'ya mamamatay kung hindi mo kami iniwan!" Sigaw ng babae at dinura dura pa ang lalaki ng hintuturo nito. Malakas na sampal naman ang inabot nito mula sa asawang lalaki kaya't napaluhod na umiiyak ang asawang babae.

NOON naman ay magsisimulang makakarinig ang mga kapitbahay ng iyak ng sanggol tela ba gustong patigilin ang mga magulang sa pag aaway.

"INAY, ITAY tama Na po wag na po kayong mag-away nandito naman po ako sa tabi niyo eh..." Iyak ng isang batang pilit inaalis ang mga luha sa mga mata, "... Hindi naman po kasi ako patay eh."

"ANO BA!? Bitawan mo ako pagod Na ako sa away nating ito, ayoko na Jerome. Ikaw ang pumatay sa anak natin dahil ikaw mismo ang nagpainom sa'kin ng gamot pampalaglag dahil sa takot mong BakA malaman ng mga magulang mo at kunin lahat ng pamana na para sa'yo!" Nanggagalaiting sabi nito na nagpatahimik sa lalaki.

'P-patay na ako?' bulong na sabi ng bata habang nakatulalang nakatingin sa kanyang ina.

"How did you know that? Sa'n mo nalaman yan!? Punyeta ka!" sagad na sagad na ang galit ng lalaki kaya't wala sa isipang nahawakan nito ang isang paso na nasa mesa at pinukpok sa ulo ng asawa.

"I HATE YOU! Hindi pwedeng ako lang ang mamatay dito Jerome, you killed my child at kapalit no'n ang buhay m—" bago pa man matapos ni Celine ang kanyang sasabihin at damputin ang basag na paso ay naunahan na s'yang saksakin ng kanyang asawang si Jerome. Lumuluhod na tumutulo ang luha ni Celine habang lumalabas sa bibig nito ang dugo niya at napangiti, "—makakasama ko na ang anak ko, Baby James wait for mommy, I'm coming."

"NO! CELINE? CELINE!??? NO!NO!NO!" nababaliw na sigaw ni Jerome at sinaksak din ang sarili, habang ang anak naman nitong pinapanood lang sila kanina na umiiyak ay mas lalo ng napaiyak sa nangyari sa kanila.

"ITAY, INAY, hindi ko naman hiniling na mawala sa inyo. Bakit kayo nagpakamatay? May pag-asa pa naman sanang ako'y mabuhay muli dahil nagdadalantao ka inay." Bulong na sabi ng bata habang Panay hikbi sa tabi ng mga magulang. Unti unti naman siyang nilalamon ng liwanag ibig sabihin hindi Na s'ya pwedeng bumaba pang muli sa lupa.

"Patawad inay at itay dahil sa inyong Huling hininga ay hanggang tingin lamang ang aking magagawa."

-wakas-

RANDOM STORIESWhere stories live. Discover now