|°•Unexpected Guest•°|

1.8K 4 0
                                    

|°•Unexpected Guest•°|

   Abala ako sa paglilinis ng kwarto ko dahil kakalipat lang namin dito. Hindi na bago yon pang-ilang beses na nga ba kami palipat lipat ng tirahan dahil lang sa hindi namin nabayaran yong inuupahan naming bahay.

"Elena, pagkatapos mo jan bumaba ka na agad tulungan mo ako sa kusina para makakain na tayo."

"Opo nay, bababa na!"

Nagmamadali na akong nagligpit sa mga gamit ko at agad bumaba sa kwarto kaso bigla nalang lumangitngit ang aparador na nasa likod ko.

"Bukas?" bulong ko, "ba't to bumukas kakalock ko lang nito kanina ah?" nangungunot ang noong tumayo ako at nilock ulit ang aparador.

Bumaba na ako at tinulungan si nanay na naghahanda ng kakainin namin para sa hapunan.

"Oh, hugasan mo na yong mga plato pagkatapos mo kumain jan magpapahinga na ako sa taas."

Tumango nalang ako at hinatid s'ya ng tingin palabas ng kusina. Nagmamadali ko ng tinapos yong kinakain ko ng makaramdam ng lamig sa may batok ko.

"Di ako takot, huh!" pampalakas loob kong sabi at dinala ang mga plato sa lababo. Di pa man ako nakakapaghugas ay kusa ng bumukas ang gripo na ikinakunot agad ng noo ko.

"Nanaginip ba ako? Ah, hindi inaantok na nga siguro ako,"  sabi ko at nagmadaling maghugas ng plato.

"Inaantok ako at hindi ako takot, oo, hindi ako tako-AY PECHAY!"

"Ahh anak, anong nangyari sa'yo?"

"Nay naman, nananakot ka eh, akala ko sinong multo na kumalabit sa akin," kinakabahang Sabi ko pa.

"Bakit ka ba kasi natatakot?" pagtatanong pa nito habang inaayos ang nakalagay na papel sa kanyang mukha, pampaganda raw, "Walang multo dito, anak."

"Wala nga nay pero wag mo ko biglain mas nakakatakot ka pa nga sa multo eh!" sagot ko rito habang nagpupunas ng kamay.

"Abah ka talagang bata ka, hmm!" pinagtaasan ako ng kilay nito at lumabas na ng kusina.

"Tamo yon nagpunta lang dito sa kusina para gulatin ak—" naputol ang sasabihin ko ng biglang dumungaw ulit si mama.

"Ahh oo nga pala may unexpected guest tayo anak kaya matulog ka na dapat ready ka may kakatok sa pinto natin ano man Oras, ciao!"

Napaikot na lamang ako ng mata at susunod na sana sa kanya ng makarinig ako ng katok sa pinto.

"Oh ayan na pala yong unexpected guest ni nanay eh," Sabi ko at binuksan ang pintuan, "oh San na Yong taong kumatok?"

"Di ako tao," bulong nito sa tenga ko kaya agad nagsitayuan balahibo ko.

"S-sino ka?" Takot na Sabi ko rito habang nakapikit pa.

"Ako to si Natoy ang mahal na mahal ka!"

-end-

RANDOM STORIESWhere stories live. Discover now