Halos isang linggo na namalagi sa isip ko ang nangyari sa bathroom, at ang pag-uusap namin ni Hunter. Simula rin noon ay madalas ko na siyang mahuling nakatingin sa akin o nakamasid. Kahit mahuli ko siya ay hindi siya nag-iiwas ng tingin. Madalas ay blanko at wala talaga akong mabasa sa mukha niyang kahit ano, at kung minsan naman ay nahuhuli ko siyang nakangisi ng tila may binabalak na hindi maganda. I find him creepy.
"Are you okay?" Nilingon ko ang nagsalita at agad na naagaw ang attention ko ni Meast ng maupo ito sa tabi ko. Lumingon lingon ako para hanapin si Damon o ang special someone niya pero wala akong nakita. That is also why I heard his chuckle.
"Wala si Damon, may tinatapos."
"Bakit hindi ka masungit sa akin? Crush mo ba ako?" pagbibiro ko na muli lang niyang tinawanan at ginulo ang buhok ko na parang nakababata niyang kapatid.
"I have a sister, hindi kayo magkaugali, but since you're Damon's sister... parang kapatid na rin ang turing ko sa 'yo." aray ko naman. Hindi nga friendzone na sisterzone naman.
"Ayoko ngang maging kapatid ka, hindi bagay. Mas gusto ko girlfriend m—" nahinto ako at natutop ang sariling bibig. Pakiramdam ko bigla akong namula sa nasabi ko. Shocks! Ang agang confession naman Dimaria!
Nahihiya tuloy akong napalingon kay Meast, ngunit naabutan ko lang itong nakatingin sa akin. Amusement crossed his eyes as he shook his head and let out a chuckle.
"I don't want to hurt you, Dimaria. I am sincere when I tell you, you're like a sister to me," oo na tanggap ko nang basted ako. Pero... no! No! Hindi ko pa pala tanggap!
"Okay lang, maswerte naman ako na sa dami niyang mga babaeng halos mabali ang leeg kakalingon sa iyo, at ginagawa lahat para mapansin mo, eto ako at walang kahirap-hirap na nakakausap at nakakasama ka." nakangiting sabi ko. Kahit sa loob-loob ko hindi pa rin ako sumusuko.
Nasa student park kami, abala ako sa paggawa ng power point presentation para sa report ko bukas habang siya'y nagagawa ng plates nila. Minsan ay tinitingnan ko ang ginagawa niyang design at hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil magaling talaga siya.
Akala ko'y makakasama ko siya ng matagal ngunit agad din siyang nagpaalam dahil may klase na sila. Naiwan ako roon na tinatapos ang report, ngunit sa pag stretch ko ng kamay at leeg ay aksidente akong napalingon sa isang direksyon and there I met the same stirling gray eyes of Hunter Martinez. Tulad ng madalas ay walang kahiya-hiyang nakatitig ito sa akin. I swallowed a couple of times and chose to look down. I can't maintain eye contact with him. It's making my heart go damn crazy. At hindi ko 'yon gusto.
Matapos gumawa ng report ay nagpasya akong lumabas na lang ng school para tumungo sa coffee shop, sa tapat. I'd rather wait for my brother there, kaysa naman ma-boring ako sa student park. Isa pa wala na akong klase kaya, free na free na akong lumabas ng campus. Isa sa nagustuhan ko sa college, hindi ko na kailangan pang pumila ng matagal sa gate bago 'yon bumukas at bago ako makalabas.
I was on the outside already when someone grabbed my arm and pulled me. Napasinghap ako at agad na nilingon kung sino 'yon at halos mawalan ako ng maisalita ng malamang si Hunter 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/287146246-288-k280728.jpg)
BINABASA MO ANG
Hunter's Wrath (Completed)
General FictionSELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH/WARNING: MATURE CONTENT (sensitive topic ahead) Hunter Martinez was once a caring, kind, and responsible fiancé, with a bright future ahead and a heart full of love. But when a heinous tragedy destroyed his world, it t...