Chapter 35

43.6K 919 553
                                    

Madalas ako magtaka noon, kung bakit... Bakit may mga mag-asawa na naghihiwalay at nagkakaroon ng panibagong pamilya?


'Yong tipong kahit may mga anak na sila, naghihiwalay pa rin. Kahit sa mga artista. Bakit karamihan sa mga artista, marami munang napapangasawa bago nila matagpuan ang huli... Or kung iyon nga ang huli?


Not that I am gossiping over someone else's life, but because I am curious. Why did they marry each other if their love wasn't strong enough to stay and stick together? Later on, I realized, hindi sapat na mahal niyo ang isa't isa. O baka naman, you both fell out of love, and the love that once was strong faded.


Pwede ring, baka hindi na sila nagkakasundo sa mga bagay-bagay o nagiging toxic na ang marriage. It must really have a reason. Lahat ng pagsasamang nauwi sa hiwalayan, may rason. 'Yong iba naman, nag-cheat.


Sa kaso namin ni Hunter. We didn't fall out. We didn't cheat. We simply decided to separate for good, because our marriage was toxic. Ilang beses akong nasaktan. He emotionally tortured me, at pareho kaming nawalan. We lost ourselves, and I can't see myself with him. Hindi ko na makitang kasama siya habang hinahanap ang sarili namin. Hindi ko na iyon mahanap sa parehong lugar kung saan 'yon nawala.


Yeah, maybe sometimes it's worth saving a relationship, and sometimes it isn't. Love is not enough to save it. And our marriage is past the point of saving.


"Mommy!" Sinalubong ko si Diana mula sa pagtakbo nito.


"You shouldn't have run! Paano kung natisod ka?" ginulo ko ang buhok niya. She's already 9. And it's been five years since.


"Namiss ka kasi niya, kung saan-saan ka nagpunta."


"Of course, business trips kaya 'yon. Sabi ko kasi sa inyo sumama kayo eh! Nakakalungkot nga, isang linggo akong mag-isa habang palipat-lipat ng bansa." Nagtatampo na sabi ko, at tumawa naman siya.


"Huwag ka ngang sumimangot ayoko ng asawang mukhang pato." Mas lalo naman akong napasimangot ay mahina siyang sinuntok sa balikat.


"Halika na Dian, hindi natin bati ang daddy mo. Magluluto ako at ikaw lang kakain huh? Alam kong namiss mo luto ko."


"Yes, mommy! Daddy sa restaurant ka na lang kumain! Ba-bye!" pangaasar pa ni Diana sa ama niya na muntik ko nang ikatawa. Alam ko na ang mukha niyan, nakasimangot nanaman.


"Mahal! Sorry na!" narinig kong paghabol niya. Nangingiti na ako, pero pilit kong isinisimangot ang mukha ko. Gusto ko pa siyang pahirapan. Nasa mood akong maginarte. Namiss ko rin kasi siya.


"Hal! Sorry na! Kasama naman ako sa kakain ng niluto mo 'di ba? 'Di ba? Umuoo ka."


"Ayoko nga." kunwari'y walang emosyon na sabi ko.


"Dian, tell mommy to forgive me... Promise bibilihan kita ng maraming candies."


"Huwag mo ngang gamitin ang anak mo!"


"Bati na kasi tayo, ang tagal mong nawala tapos susungitan mo lang ako?" Nilingon ko ang mukha niya at siya naman ngayon ang halos humaba na ang nguso. I smiled and kissed him.

Hunter's Wrath (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon