All my life, I always believed you couldn't fall in love twice with different people. Sabi ko, parang napaka imposible naman? You can fall in love twice, but of course with the same person, and malay mo, love is sweeter and stronger the second time around. But life challenged me and maybe proved me wrong. Ang impossible, ay ginawa niyang possible sa akin.
Hindi man ako bulag, pero sa nararamdaman ko maaaring oo. Bulag ako sa katotohanan, at sa nakaraan.
Sinasabi kapag nag-cheat ang isang tao, dapat daw piliin nila 'yong pangalawa, kasi hindi naman sila magmamahal ng isa pa kung mas mahal nila 'yong nauna. Sa akin naman, hindi ganoon.
I know. I still love Hunter. Hinding hindi mawawala 'yon. It was still strong, mahal ko pa rin siya. Pagmamahal na alam kong kahit mamatay ako, naroroon pa rin.
But not because you love him. You will choose to stay. Iyon ang natutunan ko sa maiksing panahon na nanatili ako rito.
It was hopeless. Mahal man namin ang isa't-isa... Hindi na ibig sabihin noon kailangan naming magpatuloy pa. Marami na kaming sakit na naramdaman, marami na kaming nailuha. Siguro tama si Hunter. Tama na pinalaya na niya ako at dapat... Palayain ko na rin sarili ko mula sa nakaraan at sa kaniya.
I am choosing Hunter. I will keep choosing him over myself. Kaya palalayain ko na siya. And I will now choose Tremor over him. Kasi iyon na ang tama. Iyon na ang nararapat. Pinalipas ko ang araw na iyon. Hindi ko ginambala si Hunter. I choose to think thoroughly about my decisions. Upang hindi ako magkamali.
Kaya nang sumapit ang kinabukasan, doon ko piniling kumilos.
Nagluto muna ako ng breakfast at hinintay si Hunter na bumaba. Hindi pa rin niya ako kinakausap kaya ilang beses din akong nakapag-buntong hininga.
"Hunter, gusto kitang makausap." Pinanood ko ang reaction niya at nahinto niya ang paggalaw ng kaniyang kutsara at tinidor habang deretso ang tingin sa akin, ngunit tulad ng madalas, alam kong lumalampas lang iyon.
"About sa divorce, p-perma na ako." alam kong nagulat siya. Kumirot din ang dibdib ko nang makitang may mga luhang namuo sa mga mata niya.
I swallowed hard. Yumuko siya at marahang pinagpatuloy ang pagkain.
"Sige," Tipid na sagot niya at tuluyan ng huminto sa pagkain at marahang tumayo matapos uminom ng tubig.
I did too, and followed him. Nakarating kami sa office niya. He took a brown envelope from his table at marahang naglakad patungo sa may couch at nilagay ang envelope sa ibabaw ng lamesita bago naupo. Sumunod ako at kaagad na naupo sa mahabang couch.
"I just have some conditions before I sign this."
"Just what I've thought. What is it?"
"Magpa-opera ka, enough with your atoning shits. At gusto ko, pagmulat mo ng mata mo at pagtanggal ng benda sa mga mata mo, I was there. Ako ang una mong makikita." Hindi siya kaagad sumagot at tila pinag-iisipan ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Hunter's Wrath (Completed)
General FictionSELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH/WARNING: MATURE CONTENT (sensitive topic ahead) Hunter Martinez was once a caring, kind, and responsible fiancé, with a bright future ahead and a heart full of love. But when a heinous tragedy destroyed his world, it t...