"It's positive. You're pregnant."
Patuloy na umaagos ang mga luha ko. Halos hindi ko na noon alam ang iisipin. Hindi ko na rin alam kung nagawa ko pa bang harapin si Lucifer ng maayos dahil sa nalaman ko. I asked Fern to keep it from Damon first. Saka ko na sa kaniya sasabihin.
Matapos manggaling sa hospital ay pinili kong bumalik sa bahay. Lester didn't ask me and didn't question my silence. He just chose to attend to my needs, my wants, and my requests.
I waited for Hunter...pero lumipas ang isang Linggo na hindi siya umuuwi.
Bumalik ako sa school, habang hindi pa lumalaki ang tiyan ko at ginawang busy ang sarili. Bumalik din ako sa pag t-trabaho sa opisina kahit wala si Hunter pero pinili ko ring itigil dahil sa stress na naramdaman ko sa ilang araw dahil ako ang pinupotakte ng ilang department heads. Hinahanap nila sa akin si Hunter dahil napakarami nilang papapirmahan, halos sa akin na rin nila gustong ipasa dahil ako naman daw ang secretary ni Hunter... at hindi ko matatagalan iyon sa kondisyon ko ngayon.
Good thing, Lester was there to help me. But even him can't say where is Hunter. Hindi na raw sa kanila sinasabi ni Hunter kung nasaan ito. Pero iisa lang ang nasa isip ko... na baka kasama niya si Amari.
Weeks, even months, passed... na walang Hunter ang bumabalik.
Minsan ay halos nababaliw na ako sa kaiisip kung may balak pa ba siyang bumalik. Hindi na biro ang unti-unting paglaki ng tiyan ko na siyang ikinatigil ko na sa pagpasok. Even Lester knew, but he didn't say a thing and continued taking care of me.
"Nasaan na kaya si Hunter?" I was holding my baby bump when Lester glanced at me.
"Huwag mo na muna siyang alalahanin miss, ang mahalaga malusog ang baby niyo at ilang araw na lang... manganganak na kayo." Malungkot akong ngumiti. I was raising my child without Hunter by my side. Natiis ko ang ilang buwan na ako lang at si Lester ang tumutulong sa akin...sa sarili ko. Hindi kailanman umuwi si Hunter at hindi ko alam kung bakit nakayanan ko 'yon.
"I am going to meet Damon. I will tell him about my pregnancy already. Isang buwan na lang naman ang hihintayin ko at manganganak na ako." Time flies fast. At habang tumatagal mas nalulungkot ako.
Kinahapunan ay pumunta ako sa mansion, ngunit wala roon si Luci kaya naisip kong nasa bahay niya ito tumutuloy. Halos magsalubong pa ang kilay nito ng makita ako, dahilan para tuluyan akong lamunin ng kaba.
"W-What the..." umawang ang labi niya ng titigan ang umbok kong tiyan.
"I am pregnant, Damon."
"Where is that punk?! I am going to kill him!" nagngingitngit sa galit na sigaw niya at humugot ng baril. Sa kaba ay mabilis kong hinawakan ang braso niya.
"Damon...please." Marahas siyang napabuntong hininga at naiiling na napahilamos sa mukha.
"Dimmy..."
"I am fine, Damon. Ginusto ko 'to. Paninindigan ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/287146246-288-k280728.jpg)
BINABASA MO ANG
Hunter's Wrath (Completed)
Narrativa generaleSELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH/WARNING: MATURE CONTENT (sensitive topic ahead) Hunter Martinez was once a caring, kind, and responsible fiancé, with a bright future ahead and a heart full of love. But when a heinous tragedy destroyed his world, it t...