P-Paanong wala? Paano? Bakit? Naguguluhan ako? Kasama lang namin siya kanina. Nagbilin pa siya. S-Sabi pa n'ya hahabol siya?
"H-Hindi ko maintindihan." Tulala ako habang yakap pa rin ako ni Hunter.
"P-Paanong wala? Umalis na ba siya rito? Iniwan na ba niya kami? M-Mahal ako ni Tremor... P-paano siya mawawala?" My voice shivered. Nagiging marahas na ang paghinga ko habang pinoproseso sa isip ang narinig. Bumitaw na sa akin si Hunter. Dian ran towards me and hugged my waist, crying.
"Why are you guys crying?! My husband told me he'd come back! Hahabol siya rito... Sabi niya... Sabi niya may aayusin lang siya!" D'yos ko. Panaginip lang ba ito? Please, gisingin niyo na ako. Hindi pwedeng mawala sa amin si Tremor. Ibalik niyo sa akin ang asawa ko.
"Mommy!" Dian cried. Unti-unti na rin ako naiyak at nanghina ng malakas pang umiyak si Kimmy.
"Pupunta dapat si Kuya sa America, nagkaroon kasi ng problema. Pero hindi suya umabot. The plane crashed at isa siya sa mga nasawi, habang ang ibang katawan ng ibang pasahero ay hindi pa rin mahanap." Nanigas ang katawan ko. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang narinig.
Bumalik sa alaala ko ang mukha ni Tremor. Ang mga ngiti at tawa niya. Ang paglalambing niya sa akin. Ang mga kalokohan niya.
"Hindi pwede... Hindi niya kami pwedeng iwan." Unti-unti na akong napaiyak. No. Hindi pwede. Hindi pwedeng wala na siya!"
"Hindi pwede... Hindi pwedeng wala na s-siya."
"Dimaria," Nalusaw ang boses ni Hunter sa pag-iyak ko at sa mga bagay na naiisip ko.
"Asaan siya? Let me see him please, bring me to my husband please!" I desperately asked Kimmy and Shane. But Hunter did what I was asking. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan akong hinila palabas. Sumunod lang sa amin sila Shane, kasama si Diana na umiiyak na rin.
Si Hunter ang nag-drive habang ako'y walang tigil sa pag-iyak. Hunter tried to hold my hand, but I refused.
"Don't cry too much, makakasama 'yan sa anak niyo." Mas lalo lang akong napaiyak.
Bakit niya ako iniwan? Hindi pa nga niya nakikita ang anak namin e.
Bakit ang bilis?
Hindi man lang ako naging handa.
We arrived at the hospital. Hindi pa man namin nararating kung nasaan si Tremor ay unti-unti na akong kinakapos ng paghinga. Pakiramdam ko hindi ko kakayaning makita siya.
I don't want to see his cold and lifeless body. But it's better not to be able to see him for the last time.
Hindi ko alam kung paano pa iiyak ng tuluyan ko siyang makita. He was covered in white cloth. lifeless. Sunog ang kalahati nitong katawan pati na rin ang mukha. Ang minsang masayahin niyang mga labi at mga mata. Ngayon, kailanman hindi ko na makikita.
![](https://img.wattpad.com/cover/287146246-288-k280728.jpg)
BINABASA MO ANG
Hunter's Wrath (Completed)
General FictionSELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH/WARNING: MATURE CONTENT (sensitive topic ahead) Hunter Martinez was once a caring, kind, and responsible fiancé, with a bright future ahead and a heart full of love. But when a heinous tragedy destroyed his world, it t...