Chapter 7

43.3K 1.1K 75
                                    

I didn't see that coming.


Maybe I was just too aggressive. Confused? Maybe I was just driven by the idea that I felt something for him.


I'm still cloudy.


"Hey, you're zoning out..." napalingon ako kay Tremor when he holds my hand. Nasa loob kami ng coffee shop. Inaya niya ako after noong sa bridge.


Hindi ko napansin na natulala na pala ako at lumalamig na ang kape sa tasa ko.


"Sorry," Tremor sighed, but he chose to give me a warm smile and remained silent. Nagpapasalamat na lang ako na ramdam niyang marami akong iniisip kaya pinili na lang niyang huwag nang magsalita pa. After a few minutes, nagpasya na rin kaming umuwi. He sent me home, hindi na rin siya nagtagal dahil may dadaluhan pa siyang event, kaya nagpasalamat lang ako sa kaniya at hinatid siya ng tingin.


Abot-abot ang kaba ko ng sandaling tumapak ako sa loob ng bahay.


Andito na kaya si Hunter? Kasama pa kaya niya si Amari?


I tried to shrug that thought away and chose to walk upstairs. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng bumukas ang kabilang pinto. Iniluwa noon si Hunter na magulo ang buhok at nakasuot lang ng simpleng muscle shirt at jogging pants.


"Saan ka galing?" malamig na tanong niya. Hindi ba dapat ako ang magtanong sa 'yo niyan?


"Kimmy's house," tipid na sagot ko. Handa na akong pumasok ng tuluyan ng pigilan niya ako sa braso.


"Are you sure?"


"Yeah, and I went out with her brother, Tremor. My friend." I saw how his jaw clenched. He's being like that again. Hindi ko naman alam kung bakit. Napapaguran akong tinalikuran siya at pumasok na sa kwarto ko. Ayokong tagalan ang pag-uusap namin dahil hindi ko na gusto ang inaakto ng sarili kong katawan. Kailangan ko itong pigilan bago pa ako mas lalong masaktan.


Tinawagan ako ni Kimmy kinagabihan, pagkatapos ay bumaba rin ako to prepare myself a dinner ngunit naabutan ko lamang si Hunter na nagluluto. He was simple, wearing his pj's. Magulo ang buhok at tutok sa kaniyang ginagawa.


Naalala ko, noong bagong kasal pa lang kami. Galit ako sa kaniya, I hate him...I despise him. Walang gabi ang hindi ako umiyak. Hindi ko matanggap ang ginawa kong desisyon pero sa tuwing naiisip ko si Damon ay bumabalik sa akin ang lakas upang panindigan ang naging desisyon.


Hindi ko inasahan na darating ang oras na mahuhulog ako sa taong dahilan kung bakit nagawa kong magdesisyon, kung bakit nagawa kong isakripisyo ang kalayaan ko kahit wala akong alam sa kung ano ang nangyari noon at tila galit na galit siya kay Damon.


"Maupo ka na, malapit na 'tong matapos," pinuno ng malagong niyang boses ang pandinig ko, dahilan para mapaayos ako ng tayo. Noon ko lang napansin na sumulyap na pala siya sa akin.


Tahimik akong naupo at seryoso siyang pinanood mabuti naman at hindi na oyster at scallops ang niluto niya ngayon. It's a chicken dish, but I don't know what to call it. Siya lang ang nakakaalam no'n, hindi kasi sa akin pamilyar. Marami pa naman kasi akong hindi alam na dishes.

Hunter's Wrath (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon