"Kumain ka na. Shane told me you've been skipping meals since then. Hindi makakabuti sa kalagayan mo at sa kalagayan ng baby mo kung pababayaan mo ang sarili mo." Pinanood ko si Hunter na iayos ang mga pagkaing niluto niya sa maliit na table. He wasn't looking at me. Nakabalot ako ng kumot habang nakasandal sa kama.
Ngayon ko lang natanong, bakit andito siya?
"Why are you here, Hunter?" I asked in a low tone. Ramdam kong maga ang mata ko sa kaiiyak at sinisipon na rin ako.
"I can't leave you here alone. This is the least I can do." Hindi ako sumagot at tumungo na lang. Naramdaman ko ang paglapit niya at bahagyang pag-upo sa harapan ko. He fixed my hair, na medyo magulo na dahil hindi ko pa nasusuklay. Bago muling pinunasan ang pisngi ko.
"Hahayaan kitang umiyak ngayon, dahil makakatulong 'yan para mapabuti ang pakiramdam mo. Pero isipin mo rin ang mga anak niyo. They might have lost their father, but they still have you, at ikaw... Mayroon ka pa ring mga anak. Hindi ka pa rin nag-iisa. Sooner or later, you will be okay. Andito lang kami para sa 'yo. Dim. " Again, why are you doing this, Hunter?
"S-Salamat."
"You're pregnant, so eat. Kahit wala kang gana kailangan mo pa ring kumain." nilahad niya ang kamay, para tulungan akong makatayo. Marahan kong tinanggap ang kamay niya at agad na bumangon. The comfort strip down on me as I followed him hanggang sa mapaupo niya ako sa couch.
"Hindi ko alam if you're craving for something to eat, pero sa kalagayan mo ngayon siguro hindi ka muna mamimili." Tumango ako at tahimik na hinayaan siyang ipaglagay ako ng pagkain.
"Diana and Harshley are good together. Mabilis na nagkasundo ang dalawa. Huwag kang masyado munang mag-alala, Shane was taking good care of them." tumango naman ako at marahang kumain. Mamayamaya ay napasulyap ako sa kaniya at may nilabas siyang tila notebook. He was reading something on it, tapos mayroon pa s'yang chinechekan and I came curious.
"A-Ano 'yan?" I asked.
"Humingi ako ng list kay Shane, mga kailangan mo as for your pregnancy. Andito ang list ng vitamins, mga dapat at 'di dapat gawin. Mga dapat kainin at hindi dapat kainin." Pinasadahan niya iyon nang tingin hanggang baba at napatulala ako sa kaniya.
Wala akong ideya kung bakit niya ito ginagawa. Kung tutuusin, hindi naman kami close o ano. Mayroon kaming nakaraan at hanggang doon lang dapat 'yon. Hindi rin naman kami magkaibigan.
Pero ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa kaniya... Sa kanila ni Shane.
"Gaano na kayo katagal na mag-asawa ni Shane?" natahimik siya at natigil sa pag-check ng nakasulat niya sa notebook. Hindi siya lumingon sa akin, nanatili sa sahig ang tingin niya bago sumulyap sa daliri niyang may suot na wedding ring.
"Limang taon na rin," Tumango-tango ako.
"Noong umalis ka, ilang buwan lang noong ikasal na rin kami. She was my nurse back then." yeah, natatandaan ko. Nakit ko si Shane noon. She was hired by Zyc to look after Hunter.
BINABASA MO ANG
Hunter's Wrath (Completed)
Ficción GeneralSELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH/WARNING: MATURE CONTENT (sensitive topic ahead) Hunter Martinez was once a caring, kind, and responsible fiancé, with a bright future ahead and a heart full of love. But when a heinous tragedy destroyed his world, it t...