Chapter 28

44K 1K 244
                                    

Lihim akong ngumisi habang inaayos ang sarili. I drew myself away from him and turned my back. Nagpanggap akong nag-aayos ng sarili kahit may luhang pumapatak sa mga mata ko. Ginusto ko man iyon, hindi pa rin maitatago ang motibo ko.


"Andyan na ata ang pina-deliver kong pagkain, puntahan ko lang sa baba." Malumanay na sabi ko kahit, salungat doon ang nararamdaman ko.


Hindi pa man ako nakakalayo sa kaniya ay nahawakan na niya ako sa kamay, stopping me from moving forward. Naramdaman ko ang pagtayo niya at pagyakap sa akin, mahigpit. I wanted to push him away, pero may kung ano sa akin na pumipigil na gawin 'yon.


"Can we stay like this for ten seconds? Stay still." Bumigat ang paghinga ko, pero ginawa ko rin. Nagbilang ako sa isip hanggang sa kusa na siyang bumitaw sa akin. He remained standing when I started to walk.


And what makes him weird is that... Hindi man lang nawala ang tingin niya sa kawalan.


Nang makalabas ako ay dumeretso muna ako sa kwarto niya. Sana lang ay hindi niya malaman. Mukhang wala naman siyang balak na umalis sa office. Nagmadali akong pumasok sa shower room. Kwarto lang niya kasi ang bukas kaya ito na lang ang pinili ko. Mabilis kong hinubad ang mga damit at agad na pinailalim ang katawan sa malamig na tubig. I rinsed myself, soaping every inch of my body. Trying to picture everything that happened in his office.


I was almost carried away a while ago, kung hindi ko lang naalala ang plano ko. I won't deny that I enjoyed it, but not a hundred percent. The thought that he's with Amari... Na baka pumupunta iyon dito pagkakatapos ng out ko. Since hanggang alas dos lang ako ay para nang hinahalukay ang sikmura ko sa inis.


After taking a quick shower, I take time to dry myself and put on my clothes again. Pagkalabas ko'y papatayin ko na rin sana ang ilaw sa buong kwarto ng biglang may natumba malapit sa pinto, and that was a... cane?


Pupulutin ko na sana ito, habang nagtataka ng makarinig ako ng tunog ng door bell. Imbes na titigan pa ang cane ay mabilis ko na lang itong binalik sa pagkakasandal at nagmadaling bumaba.


After ma-receive ang in-order na pagkain ay kaagad na akong tumungo sa kusina to get some plates and utensils, pati na rin ng tubig at baso bago tumungo sa opisina ni Hunter. Habang naglalakad patungo roon ay bumalik sa alaala ko ang cane. Bakit mayroon siya noon? Wala naman siyang kasamang matanda rito para gumamit ng tungkod.


Kunot-noong pumasok ako sa opisina at naabutan si Hunter na nakikinig ulit sa kaniyang phone.


Inilapag ko lang ang mga pagkain at kaagad naman niyang inalis ang earbuds na nasa tenga niya.


"Hunter..."


"Hmm?"


"May hindi ako naiintindihan dito..." napansin kong napatuwid siya ng upo. While I remained standing... Wala talaga akong hawak na kahit ano.


"Alin? Saan? Akin na, I'll explain it to you."


Hunter's Wrath (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon