Chapter 35.

127 2 0
                                    

Date Published: October 13, 2021

HENRICKA

Nandito ako sa sofa habang nanonood ng TV at nagsusulat ng mga reports tungkol sa shop. Inaalam ko din kasi kung ano ang mga best sellers at hindi.

Kapag best sellers ay hindi ko tinatanggal at ang mga hindi naman ay nilalagay ko na muna sa promo para mapansin ng customers.

'Pag hindi pa din napansin ay talagang tatanggalin ko na para may mailagay na bago sa menu.

Kailangan ko din palang mag-hire ng mga bagong deliveryman dahil sa mas dumadami na ang mga nagpapa-deliver sa mga products namin.

Kaya naman sinabihan ko si Nebby na mag-open ng hiring para sa delivery dahil kailangan talaga namin 'yon ngayon.

Pinagpatuloy ko na ang trabaho ko dito sa condo dahil wala naman akong iba pang magawa dito kundi ang ayusin ang business ko.

Masaya naman si Kuya Nico sa bago niyang trabaho at kung dati ay sa housekeeping department siya, ngayon ay nasa accounting department na siya.

Sinula din kasi nang nagkaroon ng college sa Hariya University ay isa siya sa mga naunang maging scholar doon at bumalik na siya sa pag-aaral habang nagta-trabaho.

Gano'n din ang ginawa namin sa iba pang kapos-palad na tinulungan naming magka-trabaho at magkapag-aral.

Lahat ng anak ng mga natulungan namin ay naging scholar sa eskwelahan para maging mas maganda pa ang buhay nila sa susunod.

Ang crowd funding namin ay tuloy-tuloy pa din at ngayon ay nagpapa-charity na din kami para sa mga taong may disabilities.

Napatigil ako mula sa pagta-trabaho at pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon.

"Hello?" pagsagot ko.

"Hello, Henricka. I just want to ask how are you?" tanong ni Tito Vaughn.

"Okay lang naman po, ninong. Salamat po sa pag-aalala," saad ko naman.

"I'm happy to know that. I want to inform you that everyone wants to see you again. They want to know you more because you're already part of us," sabi niya.

"Sa susunod po, ninong. Marami pa po kasi akong dapat gawin ngayon at dapat ayusin," sagot ko naman.

"I know, I know. See you soon, okay?"

"Okay po, tito. See you soon po," sagot ko. Binaba ko na ang cellphone ko at pinagpapatuloy ko na ang mga trabaho ko para sa araw na 'to.

•*•*•*•*•*

Agad akong pumunta sa pintuan nang may kumatok doon at bago ko buksan ay tinignan ko muna kung sino at nang nakita ko si Herald ay agad ko 'yun binuksan.

Pumasok siya sa loob at hinalikan ako sa noo ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at tumingin sa kaniya.

"Kumusta yung araw mo?" tanong ko sa kaniya at at ngumiti siya sa 'kin. Naglakad kami papunta sa kitchen at pina-upo ko siya sa upuan.

"Okay lang. Pumunta pinsan mo sa opisina pero umalis din agad." Nagtaka ako sa sinabi niya. Pumunta pa siya kung umalis din siya agad.

"Takot kay Hanicka eh," nakangiting saad niya at kumain na siya kaya kumain na rin ako habang natawa dahil sa ngayon ko lang nalaman na may kinakatakutan din pala ang pinsan ko.

~ ONE MONTH LATER ~

Isang buwan na ang nakakalipas at pumasok na sa opisina si Herald. Nakaramdam ako ng hilo at maya-maya lang ay tumakbo na agad ako papasok ng banyo dahil sa nasusuka ako.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon